^

PSN Opinyon

Anti-Drunk and Drugged Driving Act

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada - Pilipino Star Ngayon

NILAGDAAN na ni President Noynoy Aquino bilang ga-nap na batas ang Anti-Drunk and Drugged Driving Act    of 2013 (Republic Act No. 10586).

Matatandaang ito ay isa sa mga prayoridad na hakbangin na ipinursige ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada.

Ayon kay Jinggoy, masyado nang nakaaalarma ang mga nangyayaring sakuna sa kalsada dahil sa ilang nagmamaneho na nakainom ng alak o kaya ay gumamit ng droga o anupamang “intoxicating substance,” kung saan ang mga sakunang ito ay kadalasang nagdudulot ng pagkamatay, pagkapinsala at pagkasira ng mga ari-arian.

Ang bagong batas na ito ay inaasahang magiging isang epektibong solusyon upang maiwasan ang naturang mga pangyayari.

Isinasaad nito na ituturing ng mga law enforcement officer na posibleng senyales ng nakainom o nakadrogang driver ang overspeeding, weaving, lane straddling, sudden stops at swerving.

Sa ganitong mga sitwasyon ay puwedeng pahintuin ng officer ang sangkot na driver o sasakyan at magsasagawa ito ng “field sobriety test, breath analyzer test o drug confirmatory test” sa nasabing driver.

Kapag napatunayan sa pamamagitan ng naturang  mga tests na lasing o nakadroga ang driver ay papatawan ito ng multang P20,000 hanggang P80,000. Pero magi-ging P100,000 hanggang P200,000 ang multa kung ang paglabag ay nagresulta sa physical injuries. Kung nagbunga naman ito ng pagkamatay o homicide ay magiging P300,000 hanggang P500,000 ang multa bukod pa sa ibang kaparusahan.

Ayon kay Jinggoy, “It is the policy of the State to ensure road safety through the observance of the citizenry of responsible and ethical driving standards…. pena-lize the acts of driving under the influence of alcohol, dangerous drugs and other intoxicating substances.. and inculcate the standards of safe driving… through institutional programs and appropriate public infor-mation strategies.”

Ang Anti-Drunk and Drugged Driving Act ay para na rin sa kapakanan ng mismong driver gayundin ng iba pang tao.

Marami ang umaasa na ang paghihigpit ng batas laban sa “drunk and/or drugged driving” ay mala-king tulong upang maging ligtas, maayos at mapayapa ang ating mga kalsada at mga komunidad.

AYON

DRIVING

DRIVING ACT

ISINASAAD

JINGGOY

REPUBLIC ACT NO

SENATE PRESIDENT PRO TEMPORE JINGGOY EJERCITO ESTRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with