Santakrusan

Ang buwan ng Mayo buwan ng bulaklak

kaya sa probinsiya masaya ang lahat;

Pagsapit ng gabi magagandang dilag

ay nagpaparada sa lansangang hayag!

 

Sila ay sagalang magagandang mutya

nitong santakrusang kung Mayo’y masaya;

May mga dalaga at may mga bata

na lusis ang tanglaw at saka kandila!

 

Kaya ganda nila ay litaw na litaw

na hinahangaan nitong sambayanan;

Hermano’t Hermana ay nakaalalay

saanman magawi pinapalakpakan!

 

Ang Reyna Elena at ang Emperatriz

may mga konsorteng magara ang bihis

Kung sila’y mag-BF ang ngiti’y matamis

pagka’t puso nila’y lalong nagkalapit!

 

At kung itong mutya sa pook nya’y nadaan

kwitis, rebentador ay magpuputukan;

Ang ingay ng madla ay madaragdagan

ng mga palakpak at saka sigawan!

Show comments