ALAM n’yo bang sobÂra ang lungkot ng isang opisÂyal ng LibeÂral Party na kandidato sa pagka-mayor dahil hindi siya sinuportahan ng top officials ng kanilang partido?
Ayon sa aking bubwit, sobra ang hinanakit ni mayor dahil ang sinuportahan pa ng mga lider ng LP na si President Aquino at DILG Sec. Mar Roxas bilang presidente ng partido ay ang kanyang kalaban. Ang nakalaban ni mayor ay miyembro naman ng Nationalist People’s Coalition.
Ang malupit pang nangyari kay mayor ay ang ginawa ni Presidential sister Kris Aquino. Noong kampanya, pumunta si Kris Aquino sa kanilang lugar at ikinampanya pa ang kalaban ni mayor na si incumbent Gov. Junjun Ynares.
Ang kalaban ni ma-yor na taga-NPC ang sinuportahan ng liderato ng LP sapagkat ito ay miyembro ng maimpluwensiyang political dynasty sa kanilang probinsiya.
Ayon pa sa aking bubwit, dahil parang pader ang binangga ni mayor, nakiusap siya sa Malacañang at kay Roxas na kahit konting endorsement man lang ay ibigay sa kanya.
Humirit pa si ma-yor na kahit voice tape man lang sana na endorsement mula kay P-Noy at Roxas subalit tinabla pa rin si mayor.
Ayon sa aking bubwit, ang city mayor na local officer ng LP subalit hindi sinuportahan ng kanilang liderato ay si Mayor Danilo Leyble ng Antipolo City.
Ang isa pang kandidato naman sa pagka-governor sa Rizal pro-vince na opisyal din ng LP subalit hindi rin sinuportahan ng kanilang liderato ay si Steve Salonga. Ang anak ng LP founder na si dating Sen. Jovito Salonga.