ANO nga naman ang ginagawa ng mga tao sa loob ng anim na kilometrong permanent danger zone sa paligid ng bulkang Mayon? Ano ba ang ibig sabihin ng “permanent� Ito ang mga tanong umano ni President Aquino nang mabalitaan niyang may mga nasawi na turistang umaakyat ng bulkang Mayon. Nagkaroon ng isang steam explosion sa tuktok ng bulkan, na naging dahilan ng paggulong ng mga malalaking bato pababa ng bundok. Natamaan ang ilang mga umaakyat ng bulkan nang maganap ang pagputok, at nasawing palad naman ang lima – tatlong Aleman, isang Kastila at ang kanilang gabay na Pilipino. May pitong nasaktan pa.
Sa aking pagkakaalam, ang ibig sabihin ng salitang “permanent†ay pangmatagalan, at hindi nagbabago. Pero bakit may mga grupong paakyat ng bulkan na ayon pa sa operator ng tour, 300 hanggang 1,000 ang umaakyat ng Mayon sa mga buwan ng Mayo hanggang Agosto? Ayon naman sa gobernador ng Albay, pinapayagan nila ang mga gustong umakyat ng Mayon kapag nasa Alert Level 0 ang bulkan. Ang Phivolcs ang nagbibigay ng mga alert level ng mga bulkan sa bansa.
Nakikita ko na ang mangyayari kapag naligtas na lahat ng taong umakyat ng bulkan at naibaba na rin ang mga nasawi. Sisihan, turuan. Sasabihin ng tour operator na may pahintulot naman sila mula sa munisipyo, kung may pahintulot nga, na magpatakbo ng mga tour paakyat ng Mayon. Sasabihin naman ng munisipyo na kapag Alert Level 0 naman ay pinapayagan nila ang umakyat ng Mayon, hindi lang pwede ang manirahan sa loob ng anim na kilometrong danger zone. Ano naman kaya ang sasabihin ng Phivolcs at mukhang sila ang pupuntiryahin kung bakit Alert Level 0 pero sumabog ang Mayon? Sino kaya ang sisisihin nila?
Hindi ako eksperto sa bulkan. Pero alam kong isang aktibong bulkan ang Mayon. Kahit Alert Level 0 pa iyan, ay may peligro pa rin na baka may mangyari sa loob o labas ng bulkan na hindi naman makikita kaagad para makapagbigay ng babala, kasi nga aktibo. Kaya siguro may anim na kilometrong danger zone paikot ng bulkan. Pero nasusunod ba? Kung ang Mt. Pinatubo na siguro ilang daang taong Alert Level 0 o -1 pa nga, kung merong ganun, ay pumutok pa rin at pumutok nang malakas! Malinaw na laging may peligro kung aakyat ka ng isang aktibong bulkan. Pinatunayan ito ng Mt. Mayon. Kaya ano na ang gagawin ngayon ng lokal na pamahalaan hinggil sa kanilang pinakamalakas humatak ng turista? Bawal na lahat ng aktibidad sa paligid ng Mayon? Maraming banyagang turista ang gugustuhin pa ring makaakyat ng Mayon kahait mamatay pa siguro sila. Pagbawalan na kaya? Pagbawalan na ang pagpasok ng pera sa lalawigan?
Sa una lang iyan.