Homestretch na ng 2013 midterm elections. MaraÂmi na sa ating nakabuo ng listahan ng iboboto sa Lunes, May 13, araw ng halalan.
Sa Senatorial race, malinaw hindi makukuha ng administrasyon ang mithing 12-0 result. Kung inaasahan ng Palasyo na madadala ng halimuyak ng kanilang “bango†ang buong pangkat tuwid daan, mukhang may mapapahiya. Sa mga survey ay pumapalong 6-6 ang laban o 7-5 na nagpapalitan ang lamang sa UNA at sa Liberal Party.
Maraming side story o sub plot ang Senate race. Isa dito ang kung ilang babae ang madadagdag sa kasaluku-yang tatlo sa Senado. Kung manalo muli si Sen. Loren at kung makalusot din ang inaasahang Nancy Binay, Grace Poe at Cynthia Villar, magiging anim na ang babae sa Senado (kasama sina Sen. Miriam at Sen. Pia Cayetano). Ito na marahil ang magiging pinakamataas na proporsyon ng kababaihan sa Senado mula nang ito’y maitatag.
Isa pang kuwento ay kung may timbang pa sa puso ng botante ang mga senior, beterano at subok nang mga Senador o kung mas pahahalagahan ang mga bagong mukha kahit hindi pa subok. Sa ngayon ay mukhang kahit isa sa mga old timer ay walang makakalusot – ang tinutukoy kong pangalan ay sina Magsaysay, Maceda, Gordon. Si Gringo lang yata ang may tsansang makapasok sa top 12.
Marami ring mahigpit na laban sa mga karerang lokal. Ang pinaka-inaabangang resultang lokal hindi lamang sa Maynila kung hindi sa buong kapulungan ay ang duelo ng isa sa pinakamahal na Mayor ng Maynila sa katauhan ni Mayor Fred Lim laban sa pinakapopular na Pangulo ng Pilipinas sa kasaysayan, Pres. Joseph Estrada. Kung sino manalo, kanya ang Maynila – ang kapitolyo ng bansa.
Maliban sa Maynila, ang mga laban sa Bicol ay inaabangan. Ang subok nang Cong. na si Wimpy Fuentebella vs. Aga Muhlach; si Leni Robredo laban kay Nelly Villafuerte; LRay vs Dato Arroyo at Luis Villafuerte laban sa sarili niyang apo.
Hindi magkukulang sa sigla at suspense ang 2013 midterm elections. Maganda’t pinananabikan ang mga laban nang higit tayo magkaugnayan sa mga taong kakatawan sa atin.