Ang ‘sagigilid’ ni Bro. Eddie

ANO ba yang madalas nating marining kay senatorial bet Eddie Villanueva na ekonomiya ng “sagigilid?”

Tinutukoy niya yung mga marginalized sector ng lipunan  o yung mga mararalita nating kababayang nasa “gilid” na hindi inaabot ng kaunlaran ng ekonomiya. Isang  credit-rating agency  ang pumuri sa Pilipinas bilang  “rising star” sa larangan ng ekonomiya sa buong daigdig.

Ngunit sa kabila ng mga positibong economic rating natin na ipinagmamalaki ng administrasyon, nananatiling marami ang mga mahihirap na Pilipino. Para tayong nasa “rich-gets-richer, poor-gets-poorer world”.

Ayon kay Bro. Eddie, mapapabilis ang paglaganap ng kaunlarang pangkabuhayan kung ilalakip sa mga progra-ma ng gobyerno ang mga marginalized sectors (sagigilid).

Kaya ang pangako ni Bro. Eddie, magiging prayoridad niya ang programang ito kapag nahalal na senador

Ani Bro. Eddie, mas mabilis ang pag-unlad kung hindi lamang nagsisimula sa itaas kundi mula sa ilalim. May kredibilidad magsalita nang ganyan si Bro. Eddie dahil isa siyang dalubhasang ekonomista bago naging religious leader.

Ang target ni Bro. Eddie ay gawing entrepreneur ang ba­wat ordinaryong mamamayan sa pamamagitan ng puspusang ayuda  ng pamahalaan na magbibigay ng karampatang pautang para sa kanila.

* * *

Para naman kay relectionist Mayor  Gani Pascual  (Libe- ­ ral) ng Guiguinto, nasa wastong direksyon ang administrasyong Aquino sa pag-anyaya ng mga dayuhang mamumuhunan. Iyan nga naman ay magbubunga ng dagdag na trabaho sa mamamayan.

Palibhasa’y dinaragsa ng mga mamumuhunan ang ba-  ­­yan ng Guiguinto. Ito’y isang magandang senyales na naka­ la­tag ang wastong pundasyon  sa pamumuhunan sa naturang bayan. Isa pala ang Gui­guinto sa mga bayan sa lalawigan ng Bulacan na mataas ang revenue collection dahil sa dami ng mga negosyo doon.

Anang alkalde, nagsi­mula lang ito noong 2007 na siya ring taon nang una siyang maluklok bilang alkalde.

Show comments