HALOS dalawang linggo na lang at eleksyon na pero tila nakapagdesisyon na ang mga botante ng Caloocan City kung sino ang itatanghal na alkalde. Ayon sa Makati-based Stratfocus Consultancy, sa 2,500 respondents nakakuha si Congressman Oscar “Oca†Malapitan (UNA mayoralty bet) ng 1,447 o 57.88% kasunod si RJ Echiverri na pumuntos lamang ng 838 o 33.52% at Macario “Boy†Asistio, Jr., 4% o 100.
“Wa-epek†ang demolition job laban kay Malapitan. Kausap ko siya nung isang araw. Naitanong ko ang tungkol sa mga katawatawang alegasyon laban sa kanya hinggil sa pamimili ng boto gamit ang kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) na kilala rin sa tawag na “pork barrelâ€.
Aniya, “matalino naman ang taumbayan at alam ang mga walang katuturan paninira laban sa isang kandidatong mataas ang ratingâ€. Oo nga naman. Ang PDAF ay hindi “cold cash†na hawak ng mambabatas kundi siya lamang ang tumutukoy sa mga proyektong dapat tustusan.
May kaukulang ahensya na nag-iimplimenta ng proyekto. Naunang ipinatigil ng RTC sa Caloocan ang “pork†ni Malapitan dahil sa isang reklamo ng vote buying na pati ang kaalyado ni President P-Noy na si DSWD Sec. Dinky Soliman ay kinaladkad komo siya ang nagpapatupad sa programang pang-mahirap. Makikipagkutsaba ba naman ang isang kaalyado ng Pangulo sa kalokohan ng isang opisyal na miyembro ng oposisyon tulad ni Oca na kasapi sa UNA? Malabo.
Ngayon naman, pinipilit ilahok sa isyu ang atas ng Department of Budget na pumipigil pansamantala sa release ng “pork†habang paÂpalapit ang eleksyon. Ito ay para sa lahat ng mga mambabatas na kumakandidato para maiwasan ang pagpapapogi sa mga boÂtante. Wala itong kaugnayan kay Malapitan.
Ang programang tulong sa mahirap ay prograÂma ng adÂministrasyon at hindi ng sino mang Solon para magpagu-wapo. Bana yad na ngiti lamang ang tugon ni Oca sa deÂmoÂlition laban sa kanya. Ayaw namang tapatan ni Oca ang ganyang maruming taktika. Isa pang dirty trick na personal kong nasaksihan ay ang pagbaklas sa mga posters ni Oca para patungan ng posÂter ng ibang kandidato.
Tama ang attitude ni Oca sa harap ng mga paninira. Lamig lang at hinahon. Naniniwala ako sa kasabihan na “you can never put a good man down.†Ang taong marunong magtimpi ay kinakasihan ng Diyos.