“Ang Lihim ni Kissa” (Ikatlong Bahagi)

Nung isang linggo, kinuwento ko ang umano’y pagpapatiwakal ng 18 anyos na si Kissarne  “Kissa” Louise Blanco sa  Tandang Sora, Quezon City nung Mayo 25, 2011. Nangangapa ang ama ni Kissa na si Terzo Blanco (Boyet) kung may katotohanan ito. Tanging pinagbabatayan niyang impormasyon ay ang kuwento sa kanya ng bayaw na si Superintendent Felipe Cazon, Jr. o Tito, at kapatid na si Dolores Cazon na mga huling nakasama ni Kissa.

Idinetalye namin nung Biyernes ang nilalaman ng nakuhang mga mensahe sa Facebook Chat at cell phone ni Kissa mula sa “forensic examination” ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG. Nakita rito ang huling laman ng inbox ng cell phone at “chat history” ni Kissa sa kanyang Facebook Account(FB). Ang kaibigan ni Kissa na si Romeo Marticio na nasa Florida, USA ang huling nakakwentuhan(chat)niya mula Mayo 24 hanggang 25, 2011.

Sa pahintulot ng pamilya Blanco, sinaliksik ng Calvento Files ang nilalaman ng FB Acct. ni Kissa. Sa aming pagsisiyasat masinsin na pinagdugtong-dugtong namin ang mga mensahe sa pagitan ni Kissa at ng mga huling taong naka-chat niya.

May 24, 2011 (Chat ni Kissa kay Amilka)

8:52pm


Amilka B. Dumlao

 bat ka depres



?

8:53pm


Kissarne: nagalit sa akin parents ko tigas kc ng ulo ko nagkasagutan kmi



. 



sabi ko gus2 ko mag business..tas sabi nla wag focus muna ako sa studies.



 gus2 ko lang nmn practical. magkaroon ng sariling pera haha





8:55pm


Amilka B. Dumlao 

hehe nako kaya mo yan pareho tau gusto ko ng sideline hehe



 pero ayaw dn nila





8:56pm


Kissarne Louise Blanco

kaya nga nkakainis talaga..habang maaga pa gus2 ko kumita pra sa future ko nman dba..





8:57pm


Amilka B. Dumlao

 tama ka jan. 



iba kc iniisip minsan ng mga magulang

8:57pm


Kissa: kakainis tlga nagtampo dn ako kc grbe nman mkpg salita.sbihan b nmn n “cge mg-business ka kw na mag pa-aral sa sarili mo” grabe kakainis





8:59pm


Amilka: un nga, di hinihingi syd ng anak kya mdalas di nagkakaunawaan





9:00pm


Kissarne Louise Blanco

 TAMA! ganun talaga parents ko

9:01pm


Amilka B. Dumlao 

lahat nman eh intndhin m nlng sila

9:01pm


Kissarne Louise Blanco

kakapagod rin umintindi sa knila

May 24, 2011 (chat ni Kissa kay Aiden)

9:00pm


Kissarne Louise Blanco punta ka d2 bukas..grabe depress parin ako T@#$ &^% oh..nkakapang’hina gus2 ko ng matinong kausap





May 24-25, 2011 (Chat ni Kissa kay Romeo Marticio)

11:45pm


Kissarne Louise Blanco

 moks nag warflow ka?



         

11:52pm


Romeo Marticio Jr.

 “Nanonood ako ng bleach(isang anime). Kaw?”

11:52pm


Kissarne Louise Blanco “Nag-warflow. Wala akong planong matulog…hahaha..mag movie marathon muna ako.”

11:53pm


Romeo Marticio Jr. 

“Haha adik. ano ang papanoorin mo ngayon?”

 11:54pm


Kissarne Louise Blanco 



“The vampire diaries.”

12:02am


Romeo Marticio Jr.

 “Ahw…bakit di ka matutulog?”

12:03am


Kissarne Louise Blanco

 “Trip ko lang.”

12:47am


Romeo Marticio Jr.

 “Ano na ginagawa mo?”


12:48am


Kissarne Louise Blanco

 “Ito nag movie marathon pa din.”

May 25, 2011 (Chat ni Kissa kay Janriel Francisco)

12:57am


Kissarne Louise Blanco

 moks gcng kpa?



       

12:58am


Janriel Francisco

 yup





12:59am


Kissarne Louise Blanco

 nice.wnt some san mig light?w/popcorn& fries





12:59am


Janriel Francisco

ahw!! parang g2 ko yan ah.haha sanmig light pa nga





1:00am


Kissarne Louise Blanco

 yeah nice

May 25, 2011 (Chat ulit kay Romeo Marticio)

1:01am


Romeo Marticio Jr.

 “Mamigay ka dyan! Hahaha.”


1:01am


Kissarne Louise Blanco

 “Sure.”

1:13am


Kissarne Louise Blanco 

moks nkakapagod din pla mag mahal sa taong walng pki in short hnd ka rin mahal t&^% ina gago talaga





1:16am


Romeo Marticio Jr.

huh?
kanino naman?
ganun talaga..





1:18am


Kissarne Louise Blanco

 ganun tlga..pro pg ako nghiganti sa kanila empyerno mraranasan nla gago kc e.


1:21am


Romeo Marticio Jr.

 “ahw…san sa vampire diary yan?”


1:23am


Kissarne Louise Blanco 

gago d q tanapos bangag nko






1:24am


Romeo Marticio Jr.
chill girl.whats wrong w/u?



cnong nila?



still there?



May 25, 2011 (Chat kay Ron Jacob de Guzman)

 2:21am


Kissarne Louise Blanco

 ron unli col ka?

Nakita naming kinausap ng tiya ni Kissa na si Cherry Octot sina Aiden Ytable at Romeo Marticio para humingi ng impormasyon.

1:36am


Aiden Ytable nakwento lng sa akin ni kissa na sad sya nun kc about daw sa parents nya nagkakatampuhan daw. kausap nya(kissa) po si kyle ung friend ko. sabi po ni kyle lasing daw po si kissa nun at madami daw sya nainom ksama daw nya tita tito nya uminom. basta marami daw sila tsaka isang case daw ng beer ung nandun.& that night pinapatawag daw nya ako sa kanya kaya lng nagkataon na hindi ko nalaman. kilala ko si kissa hindi nya kyang saktan ang sarili nya, at takot siya sa mga ganun. may nasabi rin si kissa sa akin na pag natutulog sya ung pinsan nya pumapasok sa kwarto sumisilip, kaya gnagawa nya nag 22log 2lugan sya. sabi nga namin ni kyle kapag hinawakan na sya or kung ano man wag matatakot mag sabi sa amin. napakaimposible ng mga evidence hindi po ako naniniwala napaka daling gumawa ng isang situation napakadaling mag set up ng isang pangyayari at takpan ang 22ong nangyari. 0% UNG SINASABI NILANG SUICIDE never! hindi sapat ang problem ni kissa para sayangin nya buhay nya ng ganun!

May 25, 2011 sumagot din si Romeo kay Cherry.


9:39pm


Romeo Marticio Jr.
 afternoon ko sya ka chat dito eh.. sa pinas mga 1-2am nun. nagmumura na sya nung last message nya. di ko na maintindihan sinasabi nya. tas sabi ko what’s wrong w/u di na nag reply. sabi pa nya pg sya nakaganti daw lagot daw sila. di ko po alam kung sino tinutukoy nya. prang di na sya yung ka chat ko non..

Sa mga bagay na nailabas na ito, marami pa rin ang bumabagabag kay Boyet tulad ng tanong kung bakit hindi kaagad pina-autopsy ng kanyang bayaw na si Tito ang bangkay ni Kissa nung matagpuan ito.

Nakatanggap kami ng tawag mula sa kapatid ni Boyet na si Dolores Cazon (asawa ni Tito) at sinabing sasagutin at kaklaruhin nilang lahat ang hamon sa kanila ni Boyet na ipaliwanag ang  mga nangyari. “Marami kaming lilinawin sa kanya, hindi lang nila matanggap ang  nangyari kay Kissa dahil alam nilang silang mag-asawa ang may pagkukulang!,” pahayag ni Dolores. Para sa isang patas na pamamahayag inimbitahan namin silang magpunta sa aming himpilan upang madinig ang  kanilang panig. ABANGAN ang  karugtong ng seryeng ito sa MIYERKULES, EKSKLUSIBO dito sa CALVENTO FILES sa PSNGAYON. (KINALAP NI PAULINE VENTURA)Sa gustong dumulog ang  aming numero ay 09213263166 o 09198972854 o 09213784393 . Ang  landline, 6387285/7 hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor City State Center Blg. Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Biyernes.

 

Follow us on twitter: Email: tocal13@yahoo.com

Show comments