Teka nga muna. Sumosobra na itong si Donya BuÂding, a.k.a ‘butanding,’ sa National Kidney and Transplant Institute!
Bakit?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na si ‘butanding’ ay nagsimulang secretary sa nursing office pero medyo sinuwerte sa pagkuha ng mga malalagkit na posisyon sa gobyerno, hindi dahil siya ay ma-abilidad, kundi siya ay henyo sa kasipsipan sa kaniyang mga padrino.
Ika nga, parang linta!
Isipin ninyo na lang isang araw bigla na lang siyang naÂging head ng central supply ng pinag-uusapan natin at hindi kalaunan ay senior supply officer sa tulong ng kaniyang amiga at “business partner†sa ospital.
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Dahil dito nahawakan niya ang isang call boy este mali dibisyon pala kaya naman nakakapagnegosyo sila. Kasi ang mga transaksiyon sa kanyang tanggapan ay inaaprubahan nang hindi dumadaan sa bidding process.
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, minsan ay nasilip ito kaya’t siya’y bigla natanggal sa puesto pero ngayon mas mataas pa ang kaniyang naging tungkulin sa ospital. Okay, hindi ni ya nakuha ang appointment sa plantilla.
Bakit?
Hindi ‘qualified’ si Donya Buding!
Iyon lang.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tuloy ang ligaya. Madali kasing kausap ang donya sa mga consignment ng mga medical supply sa ospital dahil dating kalakaran. Puwede pa rin na walang bidding sa kaniyang bagong tanggapan.