NAKATANGGAP ako ng liham mula sa mga concerned citizen ng Caloocan City ito’y upang iparating sa kaa-laman ni Caloocan Mayor Recom Echiverri hinggil sa hokus-pokus na pag-apruba sa operasyon ng Chill Hotel na ipinagkaloob ng Bureau of Permit License Office (BPLO). Kasi nga lumalabas sa kanilang reklamo na may sabwatang naganap mula sa mga tiwaling kawani ng BPLO at ng Blue Mica Inc., kaya kahit na umano may kakulangan sa requirement ang naturang hotel ay nakapag-operate ito. Ang isyung ito sa Chill Hotel ay nararapat na busisiin mo Mayor Recom dahil pangalan mo ang dinudungisan at niyuyurakan ng mga ilang tiwaling anay sa BPLO. Kasi ayon sa reklamong nakasaad, nakakapag-operate ang Chill Hotel sa ilalim ng “Blue Mica Inc.†sa 89 General Pio, Valenzuela St. corner Caimito Road, Caloocan City sa dami ng violation gaya ng sanitary, fire extinguisher, electrical at lalo na ang kanilang fire exit.
Mukhang sa tingin ko may katwirang mag-react itong mga taga Caloocan dahil sa Fire Prevention Month ngayon at halos kaliwa’t kanan na ang nangyayaring sunog sa lahat ng sulok ng Metro Manila. At oras na magtulug-tulugan si Mayor Recom tiyak na sa pagmulat ng kanyang mata tiyak na kapahamakan ang babalot sa kanyang paligid. Magkano kaya ang kalakaran sa BPLO para ipagpalit ng mga anay ang mga buhay ng mga parukyano ng naturang Chill Hotel. Aantayin pa ba ninyo Mayor Recom na dumating ang aksidente gaya ng sunog at lindol, ang nangyari sa Ozone Disco at Hotel Manor?
Sa palagay ko napapanahon na upang ikumpas mo ang iyong kamay na bakal kay Fire Marshall Jerremy Diaz upang masuri ng tuluyan ang naturang establisimento nang mawala ang agam-agam ng taga-Caloocan. Kasi nga sariwa pa sa isipan ng mga taga Caloocan ang pagkasunog ng Grand CenÂtral Caloocan dahil sa kaÂpaÂbayaan ng ilang tiwaling taÂÂuhan ng Caloocan Fire DeÂpartment. Baka naman Mayor Recom pikit matang pinagkalooban ng “FSIC†Fire Safety Inspection Certificate ang Chill Hotel, kasi nga kung nag-inspection si Fire Marshall Diaz sa natu-rang hotel tiyak na makikita niya na ang mga fire sprinkler ay nasa itaas ng fan cooling unit (FCU) ayon ‘yan sa reklamo.
Aba, puwede ‘yang maging dahilan ng sunog o short circuit. Ang mga fire exit ladder saan po kaya nailagay? Kung meron man dapat na mayroon malinaw na kara-tula at maluwag na daanan upang madaling makita ng mga parukyano. Malaki sana ang maitutulong nito sa administrasyon mo Mayor Recom dahil maraming trabaho itong ibinibigay subalit bago sumakit ang ulo mo Mayor Recom, dapat paimbestigahan itong maigi. Abangan!