‘Droga sa resort’

SA paparating na panahon ng tag-init, siguradong dagsa na naman ang mga tao sa mga beach resorts upang mamasyal at magpalamig.

Subalit sa mga ganitong lugar rin kadalasan nagiging laganap ang bentahan ng droga tulad na lamang sa mga kilalang resort tulad ng Boracay at Puerto Galera.

Noong nakaraang araw lamang, naging paksa ng aming talakayan sa BITAG Live, ang patuloy na pagbabantay ng PDEA sa kalakalan ng droga sa mga probinsiya partikular na iyong mga nasa may tabing dagat.

Isa ang Brgy. Paclasan sa Oriental Mindoro sa naging target na lokasyon ng Philippine Drug Enforcement Authority noong nakaraang taon.

 Sa kabila ng tahimik na pamumuhay ng mga residente na ang pangunahing hanapbuhay ay pangingisda, may naka-abang na panganib sa sino mang papasok dito.

Dahil sa lugar na ito, notoryus ang bentahan at lantaran ang pagpa-pot session ng mga parokyano ng iligal na droga. Maliban pa rito, talamak din umano ang gun running at gun for hire na iligal na negosyo ng mga residente sa liblib na lugar na ito.

Ang siste, nagsisilbing transit point ng iligal na droga tulad ng shabu ang Brgy. Paclasan. Mula sa Cavite, Batangas, at Manila ibinabyahe sa port at ipinupuslit sa mga truck ng gulay at prutas ang droga patungo sa Brgy, Paclasan.

Pagdating dito, ire-repack at ititinda ang mga shabu sa iba’t ibang bahagi ng Roxas City at hilagang bahagi ng Oriental Mindoro.

Eksklusibo ang grupo ng BITAG na napili ng PDEA Region 4B sa pamumuno ni noo’y Regional Director Lyndon Aspacio upang i-dokumento ang ikinasang paglusob

 na tinawag na Oplan Riptide.

Panoorin ngayong dara-ting na Sabado sa BITAG, alas-9:15 hanggang alas-10:00 ng umaga ang buong dokumentasyon sa Oplan Riptide ng PDEA Region4B.

Subaybayan din ang BITAG Live sa Aksiyon TV Channel 41 at Radyo 5 92.3fm, araw-araw, 10am-11am; Pinoy U.S. Cops – Ride Along tuwing Sabado sa PTV Channel 4, 8:30pm - 9:00pm.

* * *

Para sa inyong mga sumbong at tips magpadala ng text message sa 09192141624 o mag-email sa bahalasitulfo@hotmail.com o magsadya sa BITAG Headquarters #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City tuwing araw ng Miyerkules, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

 

Show comments