Anak ng bilyonaryong Taipan… hindi nagbibigay ng tip

ALAM n’yo bang hindi nagbibigay ng tip ang anak ng isang bilyonaryong Taipan?

Ayon sa aking bubwit, itong  anak ng Taipan ay halos siya na rin ang may-ari ng mga  kumpanya ng kanyang bilyonaryong ama dahil siya ang Chief Executive Officer (CEO) ng kanilang mga korporasyon at saka sakitin na ang kanyang ama.

Subalit sa kabila ng kanilang bilyones, sandamakmak  pala ito sa pagiging kuripot. Hindi makapaniwala ang aking bubwit nang makasabay niya ito isang beauty parlor sa Makati City.

Nagtanong kasi itong aking bubwit kung sino yung babaing customer na dala-dalawa pa ang bodyguard bukod sa kanyang driver. Yung isang bodyguard kasi ni Ms. Taipan ay nakapuwesto sa pintuan ng beauty parlor. At yung isa naman ay nakapuwesto sa malapit ni Madam.

Takaw pansin si Madam dahil ang kotse niya ay Porsche Cayene. Ito ay nakaparada mismo sa tapat ng parlor na Nail Spa sa Gamboa St., Legazpi Village, Makati City.

Dahil may pagka-socially aware itong aking bubwit, tinanong niya yung manikurista ni Ms. Taipan kung malaking magbigay ng tip dahil super yaman ang kanyang tatay, nasa listahan ng Forbes magazine. 

Nakupo, bago sumagot ay napabuntong hininga pa yung manikurista at sinabing ni isang singkong duling ay hindi pala nagbibigay ng tip si madam. Ingat na ingat pa naman siya dahil diabetic pala si Madam.
Ang anak ng bilyonaryong Taipan na hindi nagti-tip ay si… kilala sa pagiging srewd sa negosyo.  Siya ay si Ms. T.  as in Theresa.

 

Show comments