ANO kaya kung ang sunod na Pope ay isang Pilipino? Malapit nang magsimula ang conclave sa Vatican, kung saan iboboto ng kolehiyo ng mga kardinal ang susunod na Pope. Inihahanda na ang Sistine Chapel, makasaysaysang kapilya sa Vatican, pati ang pugon kung saan susunugin ang mga balota kada botohan, para tanggapin ang mga makikibahagi sa conclave. Sa Martes na magsisimula ang mga kaganapan na magtatapos sa pagboto sa bagong Pope. Abangan ang puting usok senÂyales na may bago nang Pope!
Matunog daw ang pangalan ni Archbishop Luis Antonio Tagle na posibleng kandidato para sa susunod na Pope. Nababanggit na sa mga international newspaper ang kanyang pangalan. Ayon sa mga usapan, nababanggit si Tagle dahil na rin sa kanyang edad. Limampu’t limang taong gulang pa lang si Tagle. May mga nasa Vatican ang gusto na ng pagbabago, at isa na rito ay ang pagkakaroon ng isang “batang†Pope, para mas maitindihan ang mga problema ng simbahan ngayon. Pero ang kanyang edad ay balakid din, ayon sa iba, dahil ang mangyayari, kung sakaling maging Pope nga, ay masyadong matagal ang kanyang pag-upo sa trono. Tandaan na ang isang Pope ay walang termino. Hangga’t buhay, siya ang pinuno ng simbahan. Maliban na lamang kung bumitaw sa posisyon, tulad ng ginawa ni Pope Benedict XVI. Wala talagang may alam kung ano ang magiging resulta ng conclave. Tanging ang Diyos lamang ang nakaaalam.
Ganun pa man, naglalaro na sa isipan nang mara-ming Pilipino ang posibilidad na ang sunod na Pope ay isang Pilipino, na hindi pa nangyayari sa buong kasaysayan ng simbahan! Hindi ko maisip ang magiging saya ng buong bansa, kung sakaling mangyari nga ito. Aantabayanan natin ang mga pagsulong ng conclave, hanggang sa masilayan natin ang puting usok sa Vatican. At ang dala-dala ng puting usok sa langit, ay ang mga nakasulat na pangalan ni Tagle!