Amang maawain at mapagpatawad
SI Hesus ay hinusgahan ng mga Pariseo at mga Eskriba: “Ang taong ito’y nakikisalamuha sa mga makasalanan at nakikisalo sa kanilaâ€. Muli nating pagnilayan ang istorya ng alibughang anak. Ang isang tunay na ama ay maawain at mapagpatawad: Nahabag, patakbo siyang sinalubong, niyakap at hinagkan. Naghinanakit ang panganay na anak at hindi matanggap ang kabutihan ng ama: “namatay ang kapatid mo ngunit muling nabuhay; nawala ngunit nasumpunganâ€.
Ang Diyos Ama ay mapagpatawad. Napakaraming istorya at talinhaga ang ipinangaral sa atin ni Hesus. Lubusan ang pagpapatawad sa atin ng Ama. Lagi Siyang naghihintay sa atin upang humingi tayo ng kapatawaran. Mangako tayo ng tunay na pagsisisi at pagpapanibagong buhay. Nagbalik-loob sa ama ang bunsong anak. Nagsisi at humingi ng kapatawaran. Ang panganay na anak na lubusang naglingkod sa ama ay napuno ng hinanakit at galit sa bunsong kapatid na naglustay ng ari-ariang moral at material. Hinikayat din siya ng ama upang magpatawad.
Sino kaya tayo sa dalawang magkapatid? Kailanman ang Diyos ay hindi namimili kung anong uri ba ang nagawa nating kasalanan. Ang mahalaga sa Ama ay ang ating paglapit sa Kanya, patuloy na humingi ng tawad, magsisi at magpanibagong buhay-kabanalan. Patawarin mo kami, Ama! Ang kabuuan ng panahong ito ng kuwaresma at pawang pagpapatawad natin sa kamalian ng ating kapwa. Ang Diyos ay mapagpatawad at tanungin natin ang ating sarili
Jos. 5:9, 10-12; Salmo 34; 2Cor 5:17-21 at Lk 15:1-3,11-32
* * *
Maraming nagtanong sa akin kung sino si Ms Flor Rodriguez ng San Diego California at Tarlac na binati ko rito sa aking kolum. Noong ako’y nagkasakit at naospital sa California noong 2004, malaki ang naitulong niya sa akin. Noong 1985 ay associate pastor ako ng St. Mary’s Parish, National City, Ca. at miyembro rin siya. Noon nagsimula ang kanyang Travel Best. Mula noon, itinuring ko siyang kapatid. Lagi kong sinasabi sa aking mga parukyano: When you travel, Travel Best. Matulungin siya sa aming mga pari.
- Latest