HINDI ito biro. Literal na “lumuha†ng dugo si Senate President Juan Ponce Enrile. Ngunit ito’y hindi dahil sa mga kimkim niyang ga-mundong problema at hinanakit kundi bunga ng isang uri ng karamdaman sa mata.
Dahil dito, hindi muna makakasama si Enrile sa mga campaign rallies ng partidong United Nationalist Alliance (UNA). Batid ng lahat na si Enrile ay isa sa mga “tatlong hari†ng UNA kasama sina dating Presidente Joseph Estrada at Vice President Jojo Binay.
Hindi man kumakandidato, inaasahang mangangampanya si Enrile para sa mga kandidato ng UNA particular sa kanyang anak na si Jack Enrile na tumatakbo sa pagka-senador. Kaso nga, nagkaroon siya ng eye ailment.
Nakapanghihinayang na biglang sumadsad ang mataas na approval rating ni Enrile na noong isang taon ay pumaimbulog dahil sa maganda at matikas niyang pagÂhawak sa Corona impeachment trial.
Pero sa maagang bahagi ng taong ito, lagabog naman ang rating niya dahil sa usapin ng pagbibigay ng malaking bonus sa mga senador na kaalyado niya mula sa savings ng senado. Sinegundahan pa ito ng sinasabing talamak na smuggling ng luxury cars sa Port Irene sa Cagayan Valley. Iba talaga kapag political season ano? Lahat ng “baho†ay sumisingaw.
Sinabi mismo umano ni Enrile kay Senator Gregorio Honasan na magpapahinga muna siya at hindi makakalahok sa mga susunod na kampanya ng UNA. Iyan daw ang payo sa kanya ng kanyang doktor.
Beteranong politiko si Enrile at alam kong pamilyar na siya sa mga nangyayaring laro sa larangang ito. Pero maski papaano masasaktan ang sino man kapag nadale ng political blows. Parang boxing iyan. May kani-kanyang bigwas, suntok at depensa ang magkabilang panig na naglalaban.
Kaya kung masaktan man ang isang boksingero ay hanggang “aray†na lang siya at hindi pinepersonal ang mga patama sa kanya ng kalaban. Kaya seguro sa larangang ito, ang kalaban mo ngayon ay maaaring maging kakampi mo bukas. Wala kasing personalan kundi pag-iingat lang ng sari-sariling political interest.