Isinumite ng Digitex ET AL., consortium na binubuo ng Digitex Asia Inc, Newtech Media Systems Solutions at Trimax Infrastructure ang pinakamababang kalkuladong Bid price noong Nobyembre 26, 2012 sa isang bidding na idinaos sa Department of Transportation and Communications.
Isa iyong lantarang pagbubukas ng bids na meron pang CCTV cameras at projector kaya ikinasiya ng mga dumalo ang pagsasagawa nito. Selyado ang bid envelopes at bid boxes.
Pagkaraan ng pagbubukas ng Bids noong Nobyembre 26, ang Digitext Asia et al, ay matiyagang naghintay ng anumang pasabi o sulat mula sa DOTC. Karaniwang inaabot ng tatlo o kulang-kulang na pitong araw ang regular at normal na bidding process para matanggap ng lowest bidder ang sulat mula sa procuring agency ng pamahalaan para masabihan sila na magsumite ng qualification documents.
Sa kasong ito, isang clarification letter ang ipinadala sa pamamagitan ng e-mail noong Disyembre 19, 2012. Ang orihinal na Clarification Letter ay may petsang Disyembre 14, 2012. Mula sa petsang ito, wala nang ibang clarification letter o kuwestyon na natanggap ang Digitext Asia et al. Hanggang sa kasalukuyan, walang kasagutan ang DOTC.
Noon lang Enero 30 dumating sa tanggapan ng Digitext ang Consultant and Technical working group para magsagawa ng post qualification at nagsimula sa pagtatasa ng kanilang technical bid. Kinukuwestyon ng kumpanya kung ano ang nangyari sa isa o dalawang buwang paghihintay nila.
Sinabi ng Digitext ET AL na sila ang idineklarang lowest bidder na quoted for Php3.8 bilyon. Samantala, ang Fritz and Mazcoil ay may bid price na P5.3 billion at Europhil ay P5.8 billion.
Sabi nga, Makakatipid dito ang gobierno ni P. Noy ng halos P2 billion sa Digitext Asia et al, bid price.
Sa kasong ito, irregular umano ang proseso at hindi kumokomporme sa procurement law ng Pilipinas sa ilalim ng Republic Act 9184.
Ayon sa pahayag ng Digitex, ginawa itong sacrificial lamb at magandang dahilan para palawigin ang kontrata ng umiiral pang provider ng controversial na STRADCOM para sa walo pang buwan na gagastusan ng gobierno ni P. Noy ng PHP2 billion.
Sa pagpapalawig sa kontrata ng Stradcom, kailangang magbayad ang pamahalaan ng ekstrang P2 billion bukod pa sa dagdag sa connectivity na babayaran ng madlang pinoy tuwing maniningil ang Stradcom sa gobierno ni P. Noy para sa connectivity fee.
Tanging ang mga opisyal ng DOTC at LTO ang nakakaalam ng aktuwal na halaga ng bill na pumapasok sa kontrobersiyal na STRADCOM sa loob ng mahigit isang dekada na.
Katwiran ng DOTC Bids and Awards Committe, dinisqualify nila ang Digitex dahil walang balidong Mayor’s Permit ang Newtech Media Systems Solutions na miyembro ng consortium gayong kung babalikan ang records sa Business and Licensing Division ng Mayor’s office sa Manila ay makikita na ang Newtech ay naisyuhan ng Mayor’s Permit noong January 18, 2012.
Ano ba ito ‘disqualified’ dahil lamang dito?
Abangan ang series story ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO.
Biazon nagbabala sa mga buyer ng smuggled goods
PIPILAYAN ni Customs Commissioner Ruffy Biazon hindi lang ang mga smuggler sa bureau at mga kasabwat nitong taga - Customs kundi maging ang mga buyer ng smuggled goods na isa sa dahilan ng pagbagsak ng ating economy
Sabi nga, lansagin ang mga kamote!
Hindi na halos natutulog sina Biazon at mga alipores nito sa pagharang at paninik tik sa mga economic saboteur.
Ika nga, manghuli at kasuhan sa DOJ ang mga lintek
Binira ng grupo ni Biazon ang isang appliance store na nasa high-end malls dyan sa Pasig City at Mandaluyong sa reklamo ng Sharp Philippines dahil sa pagdi-display at pagbebenta ng mga top of the line tv sets nang walang proof of payments of duties and taxes sa Customs.
Ayon kay Biazon, ang pagsamsam sa mga nasabing appliance ay bunga ng pormal na reklamo ng Sharp Philippines laban sa Listening in Styles stores sa Shangri-La Plaza Mall at in Eastwood, Pasig City.
Abangan.