MAY mga high-tech na kriminal ngayon sa bansa. Isang halimbawa ay ang pagkopya ng mga sensitibong impormasyon mula sa iyong ATM card. Maraming Pilipino ang umaasa sa kanilang ATM para sa mga pangangaila-ngang pinansiyal. Marami na rin kasing mga kumpanya ang deretsong pinapasok ang mga sahod na kanilang mga empleyado sa mga account sa banko, na puwedeng makuha sa pamamagitan ng ATM. Ang estilo ng mga kriminal ay maglalagay ng aparato sa ibabaw ng butas kung saan unang pinapasok ang ATM. Hindi mamamalayan ang aparato dahil parang bahagi rin ng ATM! At kapag ipinasok na ang card, mababasa na ang mga impormasyong nakalagay dito, pati ang PIN! Kapag nakaalis na at wala nang tao masyado, babalikan ang aparato kung saan lahat ng datos ay nakalagay na, at lilimasin ang account! Hindi pa nahuhuli o natutukoy ang mga nasa likod nito!
Kailan lang ay nahuli ang isang Koreano at isang Pilipino, na gumagamit ng aparato para lumihis sa sistema ng Globe Telecom, at lumikha ng mga iligal na SIM at prepaid cards! Sa bisa ng search warrant, sinugod ng mga otoridad ang isang condo sa Mandaluyong at doon nakita ang makina na ginagamit sa iligal na operasyon. Ito pa lang ang mga nahuhuli. Hindi pa matiyak kung may mga iba pang sindikato na sangkot sa similar na operasyon.
Lumalabas na tila paborito na ang Pilipinas ng mga kriminal mula sa ibang bansa, at dito na pinaaandar ang kanilang operasyon. May mga nahuling laboratoryo ng iligal na droga na ino-operate ng mga taga-China at Taiwan, pati na ang mga taga-Africa na humahanap ng drug mules nila. Ngayon, KoreaÂno na sangkot sa iligal na aktibidad hinggil sa telekomunikasyon! May natatandaÂan din akong cybersex webÂsites na ino-operate sa Cavite, sa tulong din ng ilang banyaga! Lahat ito ay pagsubok at hamon na rin sa mga otoridad, kung kaya nilang labanan ang klase ng kriminal ngayon.
Nangako ang mga banko na mas paiigtingin nila ang kanilang seguridad, partikular sa mga ATM. Dapat magÂlagay na sila ng mga babala sa mga ATM na kapag may napansin na aparato na tila dinagdag lang at hindi ba hagi ng makina, huwag nang gamitin at ipaalam sa mga otoridad. Dapat banta-yan na rin ng mga guwardiya ang mga ATM, lalo na sa gabi kapag wala nang masÂyadong tao.
Ilang paraan lang para mabigyan naman ng proteksiyon ang mga mamamayan nang hindi manakaw ang pinaghirapang pera.