PINUPURI sa media ang panukalang ordinansiya sa munting lungsod ng San Juan, Metro Manila. Akda ni Konsehal Angelo Agcaoili, mariing mumultahan ang mga tsuper na hindi hihinto sa pedestrian lane kapag may tumatawid. Parusa: P1,000 sa una at P2,000 sa muling paglabag, 1% interes kada buwan, at kumpiskasyon ng lisensiya habang hindi bayad.
Maari lang tumuloy-tuloy ang tsuper kapag green ang traffic light, o pinadederetso ng traffic officer, o kung wala sa pedestrian lane. Pinag-aralan ito ni abogadong si Agcaoili matapos pinahan ng kumakaskas na SUV nang tumatawid sa pedestrian lane habang naka-red traffic light, patungo sa mall sa San Juan. Kapag pumasa ang panukala, anang media, pamamarisan ito sa iba pang lungsod sa Metro Manila at buong bansa. Maiuukit sa utak ng tsuper ang paggalang sa pedestrian, ng pedestrian ang paggamit ng zebra lanes at overpasses, at ng dalawa ang pagsunod sa traffic lights at officers. Mababago ang ugali ng Pilipino.
Gusto ko rin sana makipuri, pero hindi puwede. May sabit kasi ang panukalang ordinansiya. Meron na kasi ng pambansang batas, ang Presidential Decree 1958 ng Okt. 1984, na susog sa Land Transportation and Taffic Code ng Hunyo 1964. Utos na roon ang pag-yield ng tsuper ng right of way sa pedestrian na tumatawid sa “crosswalks†(zebra lanes) sa residential at business districts. (Utos din sa pedestrians na magbigay sa sasakyan sa highways.) Parusa sa lalabag: P100-P500 lang, pero kulong kung hindi kaya magbayad.
Bawal sa PD 1958 na mag-ordinansiya nang taliwas ang anumang konseho ng munisipyo, lungsod, o probinsiya.
Kaya void na agad ang panukala ni Agcaoli. Papondohan na lang kaya niya ang pagturo ng gobyerno ng res peto sa pedestrians. Kailangan naman talaga ‘yun e.
* * *
Makinig sa Sapol, SaÂbaÂdo, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: jariusbondoc@gmail.com