SA pag-aalay ng banal na misa ay lagi nating ipinagbu-bunyi ang pasasalamat sa Panginoon katulad ng papuri ng mga Serapin: “Banal, banal, banal (Santo, santo, santo) ang Panginoong Diyos ng mga hukbo, napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo, Osana sa kaitaasanâ€. Tularan natin ang mga anghel na tuwinang nagpupuri sa Diyos.
Ang pagpupuri sa Diyos ay ang ating lubusang pasasalamat sa Kanya katulad nang sinabi ni Pablo: “Hindi ito sa sarili kong kakayanan kundi sa tulong ng Diyos sa akin†Ang kabutihan ng Diyos ay ating ipangaral sapagka’t ito ay ating pananalig sa Kanya. Poon kita’y pupurihin sa harap ng mga anghel.
Hinango ko sa aking aklat na Today is the Tomorrow of Yesterday ang mensahe sa ebanghelyo sa araw na ito. Tinawag ko itong Simon’s Big Catch is Jesus’ Act of Appreciation (CBCP Monitor, February 1, 1998). Maging sa foreword ng aking aklat ay nabigyan din ng pansin ni Jaro, Iloilo Archbishop Angel N. Lagdameo ang artikulong ito ukol sa himala sa pamamalakaya ng isda.
Sa pangangaral ni Hesus sa may lawa ng Henesaret ay nilapitan Niya si Pedro upang hiramin ang bangka na nakadaong sa may dalampasigan. Naupo Siya roon upang mangaral. Para bang sinabi ni Pedro na bahala kayo, gamitin ninyo iyan gayong wala man lamang ka-ming nahuli sa nakaraang gabi ng pangingisda. Matapos itong gamitin ay iminungkahi Niya kay Pedro na ihagis ang lambat sa lawa at ganun na lamang ang pagkamangha ni Pedro at mga kapwa mangingisda sapagkat “napuno ang dalawang bangkaâ€.
Napakabait ng Panginoon. Anumang napakaliit na bagay na puno ng kabutihan ay kailanman ay hindi Niya nalilimutan. Magugulat pa tayo sapagka’t tulad ni Pedro tayo ay sinuklian ng napaka-halagang biyaya at pagpapala sa ating kabutihan.
Is. 6:1-2; Salmo 137; 1 Cor. 15:1-11 at Lk. 5:1-11