^

PSN Opinyon

Editoryal - Maraming trabaho sa Middle East

Pilipino Star Ngayon

ISANG linggo makaraang ipamalita ng Aquino administration na umangat ng 6.6 percent ang ekonomiya ng bansa, bigla namang dumami ang offer na trabaho sa Middle East na pinangunahan ng Saudi Arabia. Kasabay naman ng anunsiyong trabaho ay ang walang hanggang papuri ng World Bank sa ekonomiya ng Pilipinas na “Asia’s rising tiger”. Galing ah! Ibig sabihin talagang namama-yagpag o patuloy na sa pamamayagpag ang kabuhayan ng Pilipinas.

Sino namang hindi matutuwa sa balitang ganyan? Pero sana ay totoo at ganap na maramdaman ang sinasabing pag-angat ng ekonomiya. Mahirap kung puro drowing o nasa imahinasyon lang ang mga iyan. Mas masarap kung nararanasan o nalalasap ang sinasabing pag-unlad. Lubos na maniniwala ang mamamayan kung malalasap ang sarap ng bunga ng humahataw na ekonomiya.

Ganyan din ang obserbasyon ng isang UP professor, hindi raw maramdaman ng mamamayan ang pinamamalitang pag-angat ng kabuhayan. Kung umaangat nasaan ang pruweba. Kailangan ay madama ang sarap ng bunga.

Isang patunay na hindi pa gumagalaw o mabagal pa ang ekonomiya ng bansa ay ang walang tigil na exodus ng mga Pilipino para magtrabaho sa ibang bansa. Lahat sila ay nangangarap na makaahon sa hirap ng buhay. Umaasa silang ang pag-aabroad ang makakapagligtas sa kanila at sa kanilang pamilya upang huwag magutom. Mas may oportunidad sila sa ibang bansa.

At ngayong nangangailangan ang Middle East nang maraming worker, tiyak na lalo pang dadagsa ang mga Pinoy roon. Ayon sa report, nasa 200,000 trabaho ang naghihintay sa mga Pinoy sa Middle East pangunahin ang Saudi Arabia. Ang Saudi Arabia ang may pinaka-maraming OFWs. Mula pa noong 1970 dumagsa ang mga Pinoy sa Saudi.

Umaangat ang ekonomiya ng bansa dahil sa remittances ng mga OFW. Ang 6.6 percent na pag-angat ng ekonomiya noong 2012 ay malaki ang bahagi ng OFWs. Paano kung wala ang OFWs?

Masasabi lamang na maganda o umaangat ang ekonomiya kung wala nang Pinoy na aalis para magtrabaho sa ibang bansa. Kailan kaya malalasap ang tunay na katas ng magandang ekonomiya?

 

ANG SAUDI ARABIA

AQUINO

AYON

BANSA

EKONOMIYA

MIDDLE EAST

PILIPINAS

PINOY

SAUDI ARABIA

WORLD BANK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with