^

PSN Opinyon

Installation Of Divans 2013 Mabuhay Shriners, Philippines

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

INAANYAYAHAN ng Divans 2013 Mabuhay Shriners ng Philippines my Phiippines ang lahat ng mga miembro ng Mabuhay Shriners na dumalo sa isang pagtitipon na gagawin sa Multi-Purpose, Camp Crame, Quezon City sa Thursday, February 7 dakong alas 6pm,

Para sa kaalaman ng mga pupunta, huwag kalimutan na magsuot ng Black Coat at  Red Tie – para sa mga Divans, Barong and black pants sa mga kasangga este mali kasapi pala at sa mga Ladies - As Appropriate Assistant Rabban Noble Manuel C. Espiritu.

Ang mga bagong hangal este mali halal pala ay sina Potentate Illustrious Tomas G. Rentoy III, Noble Alan LM Purisima, Chief Rabban, Noble Robert O. Sing. High Priest and Prophet, Noble Luis M. Tuazon, Oriental Guide, Noble Joselito V. Mendoza, Treasurer, Noble Crispulo M. Fernandez, Recorder, Noble Michael M. Valenzuela, 1 Ceremonial Master, Noble Edgardo S. Delmo, 2nd Ceremonial Master, Noble Zidney G. Zamora, Director, Noble Nicanor S. Salvador, Marshal, Noble Eliseo D. Dela Paz, Captain of the Guard, Noble Efren T. Arayata Jr., Outer Guard.

Ang lahat ng pupunta ay magiging sobra ang saya samantala ang hindi dadalo sa nasabing pagtitipon ‘will miss 1/2 of their life.’ Hehehe.

 

* * * * *

Congressman gustong maging LP, bigay pera

ISANG kongresista from the south ang halos nagpapakamatay para sumapi sa Liberal party kaya naman kahit magkano ay handa itong gumasta para masama siya dito.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kinukulit ni tongresman este mali Congressman ang kanyang kaibigan malapit sa trono ni P. Noy na isama siya sa partido at kahit magkano ay handa siyang magbigay ng salapi dahil marami siya nito.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isa sa mga financer ni Congressman ay ang jueteng lord from the south na nangakong tutulungan siya sa ano man paraan para makuha ang kanyang minimithi.

Kilalang-kilala si Congressman na batang sagrado ng dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo dahil masiado itong malakas dito noon up to now.

‘Gets ninyo kung sino?’

Hulaan ninyo!

Abangan.

* * * * *

Temporary Residence Order ni Gov. Gwen Garcia

SABIT sa Office of the Ombudsman si Cebu Gov. Gwendolyn Garcia at lima pang mga kapanalig nito dahil ang hatol ay  guilty sa kasong grave misconduct sila tungkol ito sa umano’y irregularities sa pagbili ng local government ng baleleng este mali Balili Estate pala last 2008.

 Si Garcia kasama sina Juan Bolo, boardmember ng Sangguniang Panlalawigan ng  Cebu; Anthony Sususco, Roy Salubre, at Eulogio Pelayre, pawang miembro ng Provincial Appraisal Committee at Emme Gingoyon, Provincial Budget Officer ng Cebu ay ‘guilty’ rin sa case problem.

 Nagpalabas ng 26 pahinang Joint Decision na pirmado rin ni Chief Ombudsman Conchita Carpio Morales na may administrative liability sina Garcia at Bolo sa kanilang re-election sa  2010 National and Local­ Elections habang sina Sususco, Salubre, Pelayre at Gingoyon ay masisibak sa serbisyo bilang accessory penalties sa mga ito.

 Ang kaso ay nag ugat sa tatlong hiwalay na reklamo sa tanggapan ng Ombudsman ng   Visayas’ Public Assistance and Corruption Prevention Office Manuel Manuel at Crisologo Saavedra may kinalaman sa hindi tamang pagbili ng  Cebu Provincial Government sa  Balili estate na kapapalooban ng 11 parcels ng lupa na may 249,246 square meters at may P99,698,400.

Sinasabing ang P98,926,800 ay agad na nabayaran.

 Ang bayaran ay naisagawa sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement  ni  Garcia  para sa lalawigan ng Province of Cebu hingil sa pagbili ng lupain  sa Tina-an, Naga, Cebu at P400 kada square meters ang worth.

‘Paano ngayon may TRO pa ba si Garcia sa kanyang tanggapan?’  tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘Hindi naman siya binigyan ng TRO ng korte kahit gusto niya itong mangyari’ sagot ng kuwagong hurado.

‘Ang sinasabi mo ba ay Temporary Restraining Order?’

Kamote, hindi ang sinasabi ko ay Temporary Residence Order kaya up to now ay nasa Kapitolyo pa siya at parang doon na nakatira dahil ayaw lumabas at malaya pa rin siyang nakakatulog sa kanyang office. Hehehe.

‘Ano kaya ang mangyayari ngayon kay Governor Garcia?’ tanong ng kuwagong preso.

‘Iyan Kamote ang abangan mo.”

ANTHONY SUSUSCO

CEBU

CEREMONIAL MASTER

GARCIA

NOBLE

TEMPORARY RESIDENCE ORDER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with