SA loob ng halos apat na taon, patuloy na dino-dokumento ng BITAG ang mga kaso ng matitinding diyabetikong pasyente sa pamamagitan ng case study.
Ito ay ang mga pasyenteng pinayuhan ng kani-kanilang mga doktor sa pamamagitan ng “amputation†o pagputol ng bahagi ng kanilang mga paa o kamay.
Ito’y dahil sa malalang sugat na hindi gumagaling kung kaya’t lumalala dahil na rin sa impeksiyon sanhi ng kapabayaan.
Karamihan sa kanila, kapos sa pera, nagiging desperado sa kanilang kalagayan.
Sinusubukan ang lahat ng posibleng lunas, maiwasan lamang ang pagputol base na rin sa payo ng kanilang mga doktor.
Sa pananaliksik ng BITAG, sinusunod naman ng mga pasyente ang mga reseta ng doktor, mga gamot na pampababa ng kanilang blood sugar, kasabay nito ang mga antibiotics laban sa impeksiyon, maging ang kinakaila-ngang diyetang sundin ng mga pasyente.
Hindi biro ang sakit na diabetes, lalo na kung ikaw ay isang mahirap lang. Ito’y isang uri ng sakit na itinuturing na walang lunas at habambuhay na nangangailangan ng pag-iingat, pag-aalaga ng kalusugan at panghabambuhay na gamutan ng mga dalubhasang doktor.
Iba naman ang kaso ng mga pasyenteng gumagamit ng insulin na kinakailangan ng kanilang mga katawan. Ito ang pinaka-magastos sa lahat.
Marami ang mga naglalabasang gamot lalo na sa sakit na diabetes at mga herbal supplements sa merkado.
Dito kailangan ng pag-iingat ng publiko dahil marami ang sumasakay na mga bogus at mapagsamantala sa pamamagitan ng kanilang mga pekeng likha o imbensiyon kuno laban sa sakit na ito.
Marami ang mga sikat na personalidad na ginawang taga-endorso ng mga hiÂganteng pharmaceutical companies sa kanilang mga gamot at herbal supplements laban sa diabetes.
At ang nakakatawa, ma lusog pa sa kalabaw ang kanilang endorser at waÂlang sakit na diabetes ang kanilang mga napili.
Samantalang yung ibang totoong diyabetiko ang endorser, ni hindi tinatangkilik at patagong hindi iniinom ang kanilang ineendorsong gamot o herbal supplement.
Abangan ang karugtong…