MARAMING “bugok†sa hanay ng Philippine National Police (PNP). Ang mga “bugok†na ito ang dahilan kaya mababa ang pagtingin ng mamamayan sa PNP. Makita lang asul na uniporme ng pulis, iba na ang nasa isip ng mamamayan. Ilang beses nang nagpalit ng uniporme
ang mga pulis mula nang itatag noong Enero 29, 1991 subalit wala pa ring pagbabago.
Marami ang naniniwala na kaya hindi maiangat ng PNP ang kanilang imahe ay dahil sa ginagaÂwang kabuktutan ng mga PO1 at PO2. Dahil sa kanilang ginagawang pag-abuso sa kapangyarihan kaya lalong lumulubog sa kumunoy ang PNP. Dagdag din naman ang
ginagawang pagmama-labis ng ilang opisyal kaugnay sa pag-aresto ng mga suspek. May mga pulis na inaakusahang pumapatay para lamang malutas ang kaso. May mga lumalabag sa checkpoint kagaya nang nangÂyari sa Atimonan, Quezon noong Enero 6 na nagÂresulta
sa pagkamatay ng 13 tao.
Nagdiwang ng ika-22 anibersaryo ang PNP noong Martes at ang pagdiriwang ay nataon sa panahong maraming kinasasangkutang isyu ang ang mga miyembro ng PNP. Mga sariling miyembro ang naglulubog sa kanilang organisasyon. Halimbawa na lamang ay ang kaso
ng dalawang pulis sa Pasay na inakusahang nanggahasa sa asawa ng kanilang inarestong lalaki na umano’y umiihi lamang pero tinaniman nila ng shabu sa bulsa. Ang dalawang pulis – sina Police Officers 1 Jonathan Castro at Marvin Panaga ay inaresto ng mga kapwa
pulis at sinampahan na ng kaso. Ayon sa babae, nangyari ang panggagahasa sa kanya at pag-extort habang inaayos niya ang paglaya ng kanyang ka-live-in na hinuli ng dalawang nabanggit na pulis. Sa mismong patrol car umano siya ginahasa ng pulis.
Karaniwan na ang ganitong pangyayari. Marami pang mga “bugok†na nagpapalubog sa PNP. Kung nais ni PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima na maibangon ang imahe ng organisasyon na kanyang pinamumunuan, huwag tumigil sa pagbasag sa mga “bugokâ€. Mahahawa
ang iba pang mabubuting “itlog†kapag hindi inalis ang masamang itlog.