Sa paggawa ng batas kailangang malinaw ito. Kung itim, itim. Kung puti, puti. Hindi pwedeng magkulay abo dahil kapag nangyari ito, dun nag-uumpisa ang kaguluhan dahil mayroong iba’t-ibang interpretasyon na lilitaw, na pag-uugatan ng walang hanggang diskusyon.
Para kay Retired Master Sargeant Charmie Palencia—58 na taong gulang, may laban ang kanyang kaso para sa “backpayâ€.
Nung nakaraang Miyerkules ay itinampok namin dito sa aming pitak ang kwentong ito ni Palencia.
Nobyembre 28, 1987 noon nang kumuha siya ng “6 days passâ€.
Wala nun ang kanyang Commanding Officer na si 1Lt. Abuan para pirmahan kaya’t hindi naaprubahan ngunit tumuloy pa rin siya sa pag-uwi ng Bicol para ihatid ang inang may sakit.
Pagbalik niya nung Disyembre 8, 1987 matapos ang labing tatlong araw, nakatanggap siya ng “Discharge Order†bilang paglabag sa Art. Of War 62 tungkol sa “AWOLâ€(ABSENCE Without Official Leave).
Natanggal siya sa serbisyo noong sumunod na araw, at naging epektibo ito noong Pebrero 23, 1988.
Agad niyang inapila sa mga kinauukulan ang kanyang pagkakasibak at matapos ang anim na taon—Agosto 15, 1994, nabalik siya sa serbisyo (“reinstatementâ€) bilang konsiderasyon sa kanyang dahilan.
Sa anim na taong tinagal ng proseso, nais ilaban ni Palencia na dapat mabayaran ang panahong nawala sa kanya.
Disyembre 1995, pinetisyon niya sa JAGO (Judge Advocate General Office) na mabayaran ang kanyang “backwages†at hindi siya pinaboran.
Hindi daw katanggap-tanggap ang dahilan ni Palencia(“not within the purview of unavoidable excuseâ€). Sinabi ding “Leave without pay†ang anim na taon alinsunod sa “no work no pay policyâ€.
Noong Mayo 15, 1997 humingi si Palencia ng tulong sa Secretary of National Defense o SND, na ibinalik ang kanyang mga papel sa AFP General Headquarters Office of the J1 (J1).
Pagbalik sa J1, tinanggihan pa rin itong paboran at ganon din ang naging desisyon ng SND.
Nobyembre 24, 1997, lumapit si Palencia sa JAGO para humingi ng legal na opinyon. Mas tumapang siyang ipagpatuloy ang kanyang ipinaglalaban dahil kinatigan siya dito.
Tinukoy ng JAGO na ang pagsawalang bisa ng “Discharge Order†kay Palencia ay isang pag-amin na mayroong pagkakamali sa naging parusa ng J1(“erroneously dischargedâ€).
Sinabi din dito na walang basehan ang kanilang sinasabi na “leave without payâ€.
Sagot ng J1, naibalik si Palencia sa serbisyo, bilang konsiderasyon lamang.
At base sa tala nila, paulit-ulit nang nalabag ni Palencia ang batas ukol sa AWOL(“recidivistâ€).
May dalawang nauna nang katulad na kaso ng AWOL itong si Palencia na hindi lang naimbestigahan.
Ipinunto pa nilang habang nakabinbin pa ang kaso ni Palencia, sa anim na taong iyon ay nagtrabaho ito sa labas ng institusyon ng AFP. Inamin naman ni Palencia na pumasok siya bilang isang gwardya dahil sa inip at pagkagipit mula sa itinatakbo ng kanyang kaso.
“Kayo man ang anim na taong walang mapagkukunan ng ipangsusporta sa pamilya, maatim mo bang hindi gumawa ng paraan?,†sabi ni Palencia.
Pahayag ng J1, kung papabaron nila ang hiling, hindi malayong putaktihin ang kanilang opisina ng mga kaparehong kaso. Malinaw sa batas ng AFP ang alituntunin ukol sa AWOL.
Enero 15, 1998, lumabas ang hindi pabor na desisyon (“denied with finalityâ€) mula sa J1.
Enero 27, itinaas na niya sa Office of the President ang kaso kung saan pinabalik din siya ng J1.
Hunyo 8, 1998 umapila siyang sa Office of the Presidential Consultant on Military Affairs(OPCMA), at pagkaraan ng limang araw, hindi rin siya pinaboran.
Pabalik-balik na apila ang kanyang ginawa hanggang Abril 16, 2002 umapila si Palencia kay Sec. Angelo Reyes ng Dept. of National Defense(DND).
Hindi namamalayan ni Palencia na lumalakad na ang panahon palugit para sa kanyang mga apila.
Nakakuha siya ng sagot mula sa DND noong Agosto 26, 2002 na nagsasabing may mga mali sa mga binabanggit ng JAGO at ang nilalaman ng argumento ay hindi angkop para sa kaso ni Palencia.
Ayon sa DND, lumalabas na hindi naghabol ng ano mang apila sa J1 si Palencia matapos ilabas nito ang pinal nilang desisyon.
Nagiging permanente na ang desisyon kapag hindi nagsumite ng apila sa takdang oras na ibinigay ang sino mang gustong mag-apila(“Finality of judgement becomes a fact upon the lapse of the reglementary period of appealâ€).
Umapila lang daw si Palencia ukol sa desisyon ng CSAFP matapos ang isang taon at kalahati. Tahas na kinukwestyon ni Palencia ang batayan sa pahayag na ito.
“Agad-agad po ang apila ko at pag-aasikaso sa kaso, paano po nila sasabihing hindi ako nag-aapila?,†galit na pahayag ni Palencia.
Abril 28, 2006 lumabas ang desisyon mula sa Office of the President (OP) na nagsasabing bunga ng pinal na desisyon ng CSAFP, ang kalihim ng DND o kahit pa ang Presidente ng Pilipinas ay hindi kayang palitan ang reglamentong ito dahil ito’y isinabatas ng “Military Code of Disciplineâ€.
Kapag pinalitan nila yan, magkakagulo-gulo at kung babaliktarin nga, kailangang baguhin uli ang pagbalangkas ng mga batas sa military.
Ito ang dahilan kung bakit sinasabi kay Palencia na “it will open the floodgates for other casesâ€.
Bunga nito nag-alburoto si Palencia at dinala na niya sa kalye at sa mata ng publiko ang kanyang usapin.. ABANGAN SA LUNES ang karugtong ng seryeng ito, EKSKLUSIBO dito sa CALVENTO FILES sa PSNGAYON.
(KINALAP NI PAULINE F. VENTURA) Sa gustong dumulog ang aming numero ay 09213263166 o 09198972854 o 09213784393. Ang landline, 6387285/7 hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor City State Center Blg. Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Sabado.
Sa puntong ito nais kong batiin ang mag-amang Allan at Vian Yeung, sa tulong na ibinigay nila sa akin. Maraming Salamat!
Follow us on twitter: Email: tocal13@yahoo.com