SABIT ulit ang shipment ng isang grupo ng sindikato ng magsagawa ulit ang mga ito ng pagpupuslit gamit muli ang Central Mail Exchange Center dyan sa Pasay City bilang front nila sa smuggling dahil nahuli ulit ng pinagsanib na puersa ng mga tauhan ni Customs Commissioner Ruffy Biazon at Postmaster General Josie dela Cruz ng tangkain nilang ilabas ang kanilang kontrabando sa nasabing place.
Buti nga!
Ang hindi alam ng mga kamote ay tinalasan ng pagmamatyag ng mga tauhan ni Ruffy ang postal bureau para tiktikan ang mga kontrabando ng mga ito idinadaan sa CMEC.
Just a week ago, nakamote ang unang shipment ng mga lagapot kaya naman kumpiskado ang 20 pieces ng M-14 gun barrel pero hindi pa rin sila tumigil sa kanilang kakulitan kaya naman muli nilang ipinadala ang 10 pirasong gun barrel sa CMEC for another trial and error kaya sa awa ng Maykapal huli ulit ang epektos ng mga kamote.
Buti nga!
Matagal ng ginagamit ng mga sindikato ang CMEC sa kanilang smuggling operations dahil dito idinadaan noon araw ang mga illegal drugs, gun parts, assorted jewelries, mga DVD echetera pero ng pumasok sina Biazon at dela Cruz sa kanilang mga puesto dehins na makalusot ang mga kamote sa kanilang operasyon.
‘Ano ang mapapayo mo sa mga smuggler gamit ang CMEC?’ tanong ng kuwagong broker.
Sabi nga, try and try until you succeed. Hehehe!
Abangan,
Jueteng at montehan sa Baguio
IBINULGAR ng isang Mayor sa isang bayan sa Pangasinan na patong daw sa sugalan ang kanilang Gobernador pagdating sa usapin ng jueteng,
Si alyas Boy Bata, ng Quezon, ang isa sa mga nagpapatakbo ng operasyon ng jueteng sa nasabing probinsiya at alam na alam ito ng pulisya doon kaya naman matagal ng nagtataka ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung bakit patuloy pa rin ang sugalan sa nasabing lugar kaya kahapon pinaputok na ni Mayor ang operasyon ng dayaan bolahan sa Pangasinan at inakusahan, kinasuhan si Governor.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi na nila gaanong ikukuento ang nangyari sa mga ito dahil mukha daw politika o nagkaroon ng ‘misunderstanding’ ang grupo tungkol sa operasyon ng dayaan bolahan.
Kambiyo issue, hindi lang naman sa Pangasinan talamak ang sugalan mas matindi sa Baguio dahil ang laban dito ay pang-bigtime.
Sabi nga, montehan!
Ang montehan ni alyas Karate Kid ay natigil ng ilang araw dahil nabulabog ito pero the other week sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, lumipat lamang ng lugar ang grupo ng tagapangasiwa ng montehan dahil panay ang banat ng Chief Kuwago.
Ang bagong montehan headquarters ni Karate Kid ay nasa isang lugar sa Broadway trading post dyan sa La Trinidad.
Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, lumawak ang operasyon ni Luding sa kanyang pa jueteng dyan sa Baguio dahil umaabot sa P3 million ang pumapasok na pera sa kanyang bulsa kada araw.
Ang jueteng operation ni Luding ay tumigil ng banatan ng mga NBI from Manila ang kanyang sugalan may 2 years na ang nakakaraan.
Sa nangyaring hulihan blues malaking multa, nakulong at naglagak ng piansa si Luding sa halos 35 tauhan nitong nahuli kaya umaray din ito dahil hindi siya sinanto ng mga ahente ng NBI from Manila.
Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagtataka sila kung bakit hindi gumagalaw ang PNP regional intelligence, ang provincial district intelligence at Baguio police at La Trinidad police sa operasyon ng jueteng at montehan ni Luding at Karate Kid.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagtataka sila kung bakit pati ang PNP Regional Director, Provincial Director at maging Chief of Police sa nasabing mga lugar ay walang daw aksyon sa operasyon ng pa monte at pa jueteng nina Karate Kid at Luding?
‘Ano ba talaga?’ tanong ng kuwagong haliparot.
‘Sino ang kumikita?’
Abangan.