INAANYAYAHAN nina Atty. Biyong Garing at Doc. Ayong Lorenzo ang mga sabungero sa gagawin 5-stag grand opening derby sa Tagaytay Tourist Excellence Arena, sa Tagaytay City, sa December 5, 2012.
Sabi nina Biyong at Ayong ang proceeds ng derby ay para sa mga burned and crippled children at sa NFGB Foundation.
Kasama nina Biyong at Ayong ay sina Jon Arayata at Manny Berbano.
‘Hala bitbit na ng mga stag para mapalaban na!’
‘Malaki ang premyo sabi nina Kuyang Biyong at Kuyang Ayong.’
Abangan.
* * * * *
Balik jueteng si Luding sa Baguio
NAGKAKAMAL ng million of pesos kada araw si Luding, ang financer ng jueteng operation sa Baguio kaya naman sagana sa ‘payola’ ang mga foolish cop dito para hindi abalahin at magpatuloy ang maliligayang araw nila.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, winindang ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation Central Office ang operasyon ni Luding kaya umalis ito sa Baguio dahil nahulihan ng 30 personeros na sinampahan ng mga kaso, kinalaboso at nag-piansa ng malaking halaga kaya naman naka-alpas sa rehas na bakal.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil sa pagsalakay ng NBI noon sa mga tauhan ni Luding huminto ang pasugal nito sa Baguio pero ngayon ay bumalik ulit matapos makakuha ng ‘blessing’ sa kanyang mga padrino na mga bugok.
Abangan.
* * * * *
Si Paje at Jasareno
LUMALAKAS ang panawagan para ipatanggal kay P. Noy sina DENR Secretary Ramon Paje at Leo Jasareno, director ng DENR-Mining Bureau.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagtataka ang madlang reklamador kung bakit up to now ay malala pa rin umano ang illegal mining at logging sa LUZVIMINDA provinces kahit na nagbigay babala si P. Noy na itigil ito.
Sabi nga, tama na, pwe!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagtataka sila kung bakit nakakapag-operate ang mga ito ng hindi umano alam ng tanggapan ni Jasareno at siempre si Paje?
Naku ha Totoo kaya ito?
Ang mining bureau kasi ay nasa ilalim ng tanggapan ng DENR kaya imposibleng hindi alam ng bawat isa kung ano ang nangyayari sa mga probinsiya dahil may mga moneytoring este mali monitoring people pala sila sa mga ito.
Tulad ng nangyari sa Zamboanga del Sur turuan kung sino ang kontrabida kaya naman si Gov. Tony Cerilles ay naggagalaiti sa galit tungkol sa isyu ng Lupa Pigegetawan Mining Corporation.
Abangan.