LAKING gulat ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil sa long weekend at mag-uuwian ang mga madlang people sa kani-kanilang mga province para dumalaw sa puntod ng kanilang mahal sa buhay ay tiniempo ng ilang bus companies na itaas ang kanilang pamadyak kahit alaws ‘blessing’ ito sa LTRB.
Sa madaling salita, illegal ang gagawin ng ibang bus companies sa mga pasaherong sisingilin nila ngayon hanggang matapos ang hudas este mali ‘undas’ pala.
‘Ano ang aksyon ng LTFRB dito?’ Tanong ng kuwagong namamalimos.
“Bawal daw?’ Sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
‘Ibig sabihin hindi nila papayagan na magtaas ng pasahe?’
‘Paano kung maningil ng sobra sa dati nilang ibinabayad?’
‘Iyan ang problema ng LTFRB ang puro porma’.
‘Ano ang dapat gawin ng pasahero kapag itinaas ang singil sa kanila?
‘Iyan Kamote dapat silang magbayad dahil kung hindi malamang ibaba sila sa sasakyan’.
‘Paano ang LTFRB?’
‘Iyan ang problema natin kung paano tayo makakasakay kapag hindi tayo nagbayad sa gusto nila pamasahe.’
* * * * *
Si (ret.) Gen. Salvador Peñaflor ng MIAA
VERY BUSY as in abala sa kanyang trabaho si General Peñaflor dahil hudas este mali undas week ngayon sa Philippines my Philippines kaya naman doble kayod at hightened security alert ngayon ang lahat ng terminal ng NAIA specially domestic terminals because napakaraming departing passengers ang dadagsa mula ngayon at sa Nov 2 naman ay arrival naman ng mga umalis mula sa iba’t ibang probinsiya.
Si Peñaflor kasi ang MIAA Assistant General Manager for Security and Emergency sa NAIA kaya naman halos hindi na ito puede pang matulog dahil kailangan alerto sila anuman oras at baka kasi masalisihan sila dito.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa pagpupulong regarding sa paghahanda ngayon Undas abala ang mga tauhan ni Peñaflor sa pagsasa-ayos ng trapiko papasok at palabas ng airport, mga pumipila na pasahero, monitoring din ang mga tauhan nito sa mga tinatawag na mga ‘batang hamog’ o grasa na sumasabit sa mga sasakyan galing airport para manghingi ng pera o mang-agaw ng mga dala-dalahin ng isang arriving o departing passenger.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagpakalat na rin si Peñaflor ng mga airport police to conduct monitoring and to arrest yong mga kamoteng sasalisi sa mga bagahe ng mga pasaherong dumarating.
‘Keep up the good work, General’.
Abangan.
* * * * *
Si Boy Rivera at Boy Claudio
IBINULGAR ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga pikadores na kasabwat nina Boy Rivera at Boy Claudio para palusutan ang Registry of Deeds sa Muntinlupa City.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinipilit ni Boy Rivera na magpalabas ng ‘owner’s copy’ ng land title si Atty. Biyong Garing kahit na alam nito na noon pa palang 1924 ay dead title o cancelled na ang titulo ng lupa na sinasabi ng una dahil naisalin na pala ito sa ibang pangalan noon pang April 2, 1924.
Sabi nga, iba na ang may-ari!
Ika nga, gusto pang manggantso. Hehehe.
Ayon sa impormasyon ang mga pangalan kasabwat nina Boy Rivera at Boy Claudio ay sina Leonardo a.k.a Nanding at Pelagio alyas Pil.
‘Kapos ang kolum ng Chief Kuwago’.
Abangan.