Noong June 7, 1955 ipinagbili ni Geronimo ang lupa sa mag-asawang Mario at Lucy. Kaya nalipat sa ngalan ng mag-asawa ang OCT 383 at ito ay naging TCT No. 38910-A na inisyu ng Register of Deeds of Pasig Rizal. Noong matayo ang Register of Deeds of Las Piñas, Rizal, nilipat ang TCT 38910-A sa talaan ng nasabing Register of Deeds.
Noong May 8, 1985, matapos ang 29 na taong aktwal na tuluy-tuloy na pamumusisyon laban sa lahat, nagsampa ang Land Registration Authority (LRA) ng petisyon laban kay Mario at Lucy upang pawalang bisa ang TCT No. 38910-A sa ngalan ng mag-asawa dahil ito raw ay huwad at palsipikado. Ayon sa LRA, sa kanilang imbestigasyon ng OCT No. 383 na pinagmulan ng TCT 38910-A ay nasa pangalan ni Pedro Reyes at hindi ni Geronimo Reyes. At ang lupa raw ay nasa Sampaloc, Tanay Rizal at wala sa Las Piñas Rizal. Ito ay pinatituluhan daw sa pamamagitan ng Free Patent No. 13409 na iginawad noon pang March 7, 1932, bagamat ang nasabing OCT 383 sa ngalan ni Pedro Reyes ay wala na sa record ng Register of Deeds. Tama ba ang LRA?
MALI. Hindi masabing natamo nina Mario at Lucy ang kanilang titulo sa pamamagitan ng pandaraya at misrepresentasyon dahil ang OCT No. 383 sa ngalan ni Pedro Reyes ay wala naman sa talaan ng Register of Deeds at dahil sa ang lupa naman tinutukoy ng OCT 383 sa ngalan ni Pedro Reyes ay nasa Tanay, Rizal at di sa Las Piñas, Rizal.
Bukod dito, kahit na depektibo ang OCT 383 sa ngalan ni Geronimo Reyes, nabili naman ng mag-asawa ang lupa ng may mabuting kalooban tiwala at sinseridad o in good faith. Para sa kanila ang OCT 383 na ipakita sa kanila ay walang depekto at tunay. Ang titulo Torrens ay isang tiyak na katibayan ng pangangari ng lupa. Ang mamimili ng lupang may Titulo Torrens ay hindi kinakailangang alamin pa ang mga bagay na hindi naman nakasaad sa titulo. Dapat pagkatiwalaan ang isang titulo bilang isang matatag na katibayan ng pangangari. (Republic vs. Orfinada Sr. et. a.l. G.R. 141145 Nov. 12, 2004)