Taong 1975, naisara ang negosyo at nai-padlocked ang gate nito. Iniwan ng mag-asawa ang pangangalaga kay Ambo. Nang mamatay si Ambo noong 1991, pumalit bilang caretaker si Ato.
Samantala, noong December 13, 1993, nagulat na lamang ang mag-asawang Remy at Cora nang sampahan sila nina Robert at Monette ng kasong forcible entry sa kanilang sariling lupa. Natuklasan nilang November 28, 1993, bigla na lamang sinira nina Robert, Monette at ng kanilang caretaker na si Ernie ang padlock ng gate at pinasok ang kanilang bodega nang walang pahintulot ni Ato.
Sa kabilang banda, iginiit naman nina Robert at Monette sa kanilang reklamo na matagal na silang namumusesyon sa lugar mula pa noong 1975. Nagpakita sila ng isang Lumber Certificate of Registration, isang expired PCA Copra Business Registration, at ilang copra permit ng Mayor na may petsang Dec. 31, 1976, at isang kopya ng resibo ng buwis nito. Ayon pa sa kanila, noong Nov. 28, 1993, sina Remy at Cora ang sumira sa padlock ng gate at pagkatapos ay pumasok sa bodega kung saan dito ay ikinulong ang kanilang anak at ang kanilang caretaker na si Ernie. Kaya, kailangan lamang na magbayad ito ng P350,000 para sa mga pinsala at P100,000 naman sa sana ay kanilang kinita.
Hawak ang titulo ng lupa bilang ebidensya, itinanggi nina Remy at Cora ang lahat na paratang sa kanila. Samantala, kinasuhan nila ng trespassing sina Robert at Monette.
Manalo kaya sina Robert at Monette sa kasong forcible entry?
SA kasong forcible entry, kinakailangang patunayan ng naghahabla na sila ay naunang namusesyon sa lupa kaysa sa inihahabla at kinuha sa kanila ang karapatang ito sa pamamagitan ng puwersa, pananakot, panggigipit o anumang uri ng pag-aagaw.
Sa kasong ito sina Remy at Cora ang tunay na may karapatan sa lupa dahil nasa pangalan nila ang titulo mula pa noong 1961 at nagsimula silang mamusesyon dito mula pa 1968. At nang isara nila ang negosyo, isang caretaker ang inatasan nila rito. Samantalang ang pag-angkin nina Robert at Monette sa lupa ay ibinase lamang sa mga kaduda-dudang dokumento. Hindi rin nito iniharap ang sinasabing caretaker na si Ernie upang suportahan ang kanilang reklamo kaya hindi nila napatunayang nauna silang mamusesyon dito kaysa sa mag-asawang Remy at Cora. Bukod pa rito, nang mahatulan ng MTC si Monette sa kasong trespassing, lalong nakumpirma ang pandaraya nina Robert at Monette sa kanilang pag-angkin sa lupa nina Remy (Spouses Gaza vs. Lim G.R. 126863, January 16, 2003).