^

Metro

Bebot tinodas sa birthday party

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagbabaril at napatay ng riding-in-tandem ang isang babae habang sugatan naman ang  live-in partner nito na dumalo sa birthday party kamakalawa ng gabi sa Maynila.

Idineklarang dead-on-arrival sa ospital si Marjorie Vidallo, 24, ng Felina Ext. na nagtamo ng apat na tama ng bala ng baril sa katawan habang sugatan naman  si Barangay Tanod Joseph Villegas, 27, live-in partner ni Vidallo.

Sa pagsisiyasat ni PSMS Jayson Ibasco ng Manila Police District-Homicide Section, nangyari ang insidente alas-10:45 ng gabi sa harapan ng bahay sa No. 663 Felina Ext.

Nabatid na bisita sa birthday party ang mga biktima  at nagkakasiyahan nang bigla na lamang paputukan ng mga hindi pa nakikilalang suspek.

Tinangka pang habulin ni Villegas ang  mga suspek subalit binaril ito sa tuhod ng  huli.

Nagsasagawa na ng backtracking ang mga tauhan ng MPD Homicide sa nakalap na CCTV footages para matukoy ang pagkaka­kilanlan ng mga suspek at direksyon sa kanilang pagtakas. Wala pang nakitang motibo sa krimen.

TANDEM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with