3 Katao patay sa sunog sa Valenzuela

Ang sunog sa Valenzuela na ikinasawi ng 3 katao at tumupok sa mahigit 20 kabahayan

MANILA, Philippines — Tatlo katao kabilang ang isang magama ang nasawi matapos ma- trap sa sunog sa Malinta, Valenzuela City nitong Sabado

Base sa inisyal na report ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang natu­rang mga sunog dakong alas-12:15 ng tanghali sa kahabaan ng Area 4 Pinalagad, Malinta,

Valenzuela City.

Kabilang sa nasawi ay ang ama at 12-anyos nitong anak gayundin ang isang trabahador; pawang na-trap sa loob ng nasusunog na bahay.

Nasa mahigit 20 kabahayan naman ang natupok ng apoy at nakaapekto sa 26 pamilya kung saan nagsimula ang sunog sa isang basurahan na mabilis na kumalat sa lugar.

Dakong alas-12:25 naman ng hapon nang maitala ang ikalawang alarma sa nasabing sunog.

Samantalang nakaapekto rin ang sunog sa residential area sa Yanga Street sa Brgy. Maysilo sa Malabon City.

Naapula naman ng sunog matapos na mag­responde ang mga bumbero sa naturang mga lugar.

Nagsasagawa na ng masusing imbestigas­yon ang mga awtoridad sa naturang mga kaso.

Show comments