Tren ng MRT-3, nagkaaberya

The almost full moon rises behind the passing Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) along EDSA in Quezon City on April 22, 2024.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Nagka-aberya kahapon ang isang tren Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa bahagi ng Quezon City, na nagresulta sa pansamantalang pagkaantala ng operasyon ng rail line.

Sa abiso ng MRT-3, nabatid na ang leading car ng isang train set na patungong Cubao Station ay nakaranas ng pagkawala ng traction dakong alas-12:00 ng tanghali.

Kaagad naman umanong nadala ang tren sa Santolan Station upang maisailalim sa pagsusuri sa kanilang train depot.

Ayon sa MRT-3, ang mga apektadong pasahero naman ay ligtas na nailipat sa susunod na tren at naihatid sa kani-kanilang destinasyon.

Balik-normal na rin naman ang operasyon ng MRT-3.

“We sincerely apologize for the inconvenience and thank you for your patience and understanding,” anang MRT-3.

Show comments