Kung iuutos ng bagong DOTr chief: LTO Chief, handang magbitiw

This photo shows an office of the Land Transportation Office.
STAR / File

MANILA, Philippines — Inihayag ni Land Transportation Office Chief Vigor Mendoza ang kanyang kahandaan na magbitiw sa tungkulin oras na gustuhin ni Transportation Secretary Vince Dizon.

Ang pahayag ni Mendoza ay kasunod ng  panawagan ni Dizon na mag-resign ang mga opisyal ng DOTr bagaman sinabi ng huli na hindi  kasama ang attached agency tulad ng LTO sa panawagang pagbibitiw.

Aniya, nakatakdang magpulong sa Miyerkules, Marso 5 ang LTO at mga dealer kung saan planong malagyan na ng plaka ang mga 4-wheeler at motorsiklo bago pa man mailabas ng  planta.

Sinabi ni Mendoza na patuloy ang pagsisikap ng LTO na masolosyonan ang 9.1mil­yong backlog sa plaka sa kasalukuyan.

Show comments