^

Metro

‘Oplan Katok’ tuluy-tuloy pa – PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Francisco Marbil na magtutuluy-tuloy  ang isinasagawa nilang ‘Oplan Katok’ na  bahagi ng security measures para sa nalalapit na halalan,

Ang paniniyak ay ginawa ni Marbil kasabay ng pahayag na hindi nila ititigl ang ‘Oplan Katok’ hangga’t hindi nakakausap si Commission on Elections Chairman George Garcia.

Ayon kay Marbil, sinisiguro niya sa Comelec na tanging layunin ng kanilang operasyon ay i-account ang may mga unregistered na baril dahil maaari pa rin itong magamit sa karahasan.Wala umano sila aniyang planong manghiya ng sinumang  sibilyan.

Matatandaan na nais ipasuspinde ni Chairman Garcia ang oplan katok ng PNP dahil election period na raw ngayon at maaari itong gamitin panakot sa publiko na makakaapekto naman sa desisyon ng mga ito sa pagboto sa nalalapit na eleksyon.

Paliwanag pa ni Garcia, mayroon nang umiiral na gun ban kaya wala ring makakalabas na mga armas maliban kung may exemption mula sa Comelec. Sa pagpapairal ng Oplan Katok, maisasagawa ang search operations ng walang warrant na labag sa Saligang Batas.

Subalit ayon sa PNP, matagal nang ginagawa ang  ang ‘Oplan Katok’ kahit election period.

Naninindigan ito na trabaho lang ng kapulisan na mag-locate ng firearms at hindi naman mga botante kundi mga indibidwal na mayroong pasong rehis­tro at lisensya ng baril ang kinakatok ng mga pulis at layunin lang na paalalahanan ang mga ito para i-renew nila ang papeles ng kanilang mga armas.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->