^

Metro

Wala o 1 bagyo posible sa Pebrero

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaasahan na magkaroon ng isang bagyo lamang o walang maganap na bagyo ngayong Pebrero batay sa pagtaya ng PAGASA.

Ayon kay Ana Solis, head ng Climate Monitoring and Prediction Section ng Pagasa, maaring wala o may isang bagyo na pumasok sa bansa ngayong Pebrero batay sa kanilang pagtaya para sa naturang buwan.

Sinabi ni Solis na oras na pumasok ang bagyo sa ating bansa, ito ay mas maraming dalang ulan kaysa sa karaniwang ulan na nararanasan dulot na rin ng epekto ng La Niña phenomenon o panahon na maraming ulan sa bansa.

Dulot anya ng La Niña na sasabayan ng ibat ibang weather disturbance tulad ng amihan, easterlies at thunderstorm sa panahon ng tag ulan ay asahan na ang sobrang lakas at dami ng ulan kapag pumasok ang bagyo.

“Nakikita natin batay sa ating monitoring na malalakas na pag-ulan ang ating mararanasan kapag pumasok ang bagyo ngayong Pebrero,” sabi ni Solis.

Nanawagan din ito sa publiko na magsipag­handa at mag-ingat at ugaliing mapagmasid sa paligid laluna kung may kalamidad para makaiwas sa mga epektong dulot nito.

PAGASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->