MANILA, Philippines — Umaabot sa P13.6 milyong halaga ng shabu ang nasabat ng pinagsanib na operasyon ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula sa isang high-value target drug personality sa Consolacion, Cebu.
Batay sa report bandang alas-3:20 ng hapon ng hapon nitong Biyernes nang isagawa ang buy-bust operation sa District 2, Barangay Pulpogan na nagresulta sa pagkakaaresto sa drug suspect na si Alias James, 46.
Nakumpiska mula sa kanya ang illegal drugs, buy-bust money at isang kg-9 9mm rifle na may mga bala.
Hawak na ng PDEA 7 Regional Laboratory ang mga nasamsam na ilegal na droga para sa kaukulang disposisyon.
Kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591 ang nakatakdang isampa laban sa nahuling drug suspect.