MANILA, Philippines — Mas pinaigting pa ng Department of Trade and Industry-Fair Trade Enforcement Bureau (DTI-FTEB) ang pagmomonitor sa mga hindi sertipikadong paputok ngayong nalalapit na ang pagsalubong sa Bagong Taon.
Ayon kay FTEB Director Gino Mallari, nagsasagawa sila ng monitoring bilang tugon na rin sa mga apela mula legal firecracker manufacturers para sa mas mahigpit na pagpapatupad laban sa pagbebenta ng mga hindi sertipikadong produkto, na anila ay nakakaapekto sa kanilang kabuhayan.
Maaari rin silang mag-isyu ng cease and desist orders sa mga manufacturers kasabay ng ipinatutupad na batas ng PNP.
Tiniyak niya ang patuloy na koordinasyon sa PNP, partikular sa pangangalap at pagbabahagi ng impormasyon kung saan maaaring matagpuan ang mga hindi sertipikadong produkto.
Nakikipagtulungan din ang DTI-FTEB sa mga local government units para ipatupad ang mga ordinansa at magtalaga ng mga lugar para sa display at sale certified firecrackers.
Una nang hinimok ni DTI Secretary Cristina Aldeguer-Roque ang publiko na bumili lamang ng mga certified fireworks upang matiyak ang ligtas at walang pag-aalala na pagdiriwang.
Makikita rin sa website ng DTI ang inilabas na listahan ng sertipikadong paputok ng Bureau of Philippine Standards.