MANILA, Philippines — Isa ang Philippine Army sa pinaka pinagkakatiwalaan at top-performing government agencies sa bansa sa ikaapat na quarter ng 2024 batay sa Tugon ng Masa (TNM) survey results na iniulat ng OCTA Research kahapon.
Lumabas sa survey na nasa 78 percent o ng mas nakararaming pinoy adult ang satisfied sa Philippine Army at sa overall accomplishments nito habang 2 percent ang dissatisfied o may net satisfaction rating na +76.
Nasa 77 percent naman ang majority ng adult pinoy ang tiwala sa Army habang 2 percent ang walang tiwala o nasa +75 ang net satisfaction rating.
Sa major geographic areas, ang net satisfaction rating ng Phil Army ay nananatiling mataas na may highest rating na nakuha sa Visayas na+84.