BAN Toxics, hiling sa PNP paigtingin monitoring vs iligal na paputok

Ayon sa grupo, nagkalat na ngayon sa Divisoria ang mga ipinagbabawal na paputok gaya ng Five Star na iniaalok sa halagang ?120 per pack, at ang Piccolo at Pla-pla na naglalaro sa ?180-?200 per pack.

MANILA, Philippines — Nanawagan ngayon ang grupong BAN Toxics­ sa Philippine National Police (PNP) at Local Government Units na palakasin pa ang monitoring at pagkukumpiska ng mga iligal na paputok na ibinebenta sa merkado.

Ayon sa grupo, nagkalat na ngayon sa Divisoria ang mga ipinagbabawal na paputok gaya ng Five Star na iniaalok sa halagang ?120 per pack, at ang Piccolo at Pla-pla na naglalaro sa ?180-?200 per pack.

Sinabi ng grupo na lantaran na ang bentahan ng iba’t ibang uri ng paputok sa Divisoria.

Hinikayat nito ang pamahalaan na magkasa na ang nationwide campaign sa Iwas Paputok para maprotektahan ang mga kabataan sa firecracker-related injuries habang papalapit ang pagsalubong ng Bagong Taon.

Inilunsad na rin ng grupo ngayong araw ang sarili nitong kampanya kontra paputok na may temang Paputok ay Iwasan, Disgrasya at Polusyon ay Bawasan.

Dagdag pa ng grupo kailangan na mamonitor ang bentahan ng paputok upang walang inosenteng indibiduwal ang mapapahamak.

Show comments