Mikey Belmonte, Charm Ferrer at ibang Quezon City officials, pinarangalan sa Vietnam

MANILA, Philippines — Tumanggap ng parangal bilang Most Empowered Public Servant of the Year si Quezon City District 2 Councilor Fernando Miguel “Mikey” Belmonte sa isang prestigious awarding cere­mony sa Vietnam na kumikilala sa mga public officials sa Asya na may natatanging pagganap bilang public servant sa kanilang bansa.

Kasama sa binigyan ng naturang parangal at kinilalang Asia’s Woman of Outstanding leadership si District 1 Councilor Charm Ferrer at Councilor Doray Delarmente.

Bukod sa mga ito binigyang pagkilala rin ang iba pang public ser­vants ng QC na sina District 1 Congressman Arjo Atayde, District 1 Councilors TJ Calalay at Councilor Bernard Herrera at District 6 Councilor Victor Bernardo.

“This award isn’t just a personal achievement; it’s a testament to the collective efforts of our hardworking team, the unwavering support of my constituents, and the inspiration drawn from the countless ­individuals who believe in the power of public service. To be acknowledged on an international stage for my work in Quezon City is a dream come true. This recognition fuels my passion to continue serving our community and stri­ving for excellence” sabi ni Ferrer.

Mariin namang pinasalamatan ng mga nabanggit ang QCitizens sa patuloy na pagsuporta sa kanilang mga programa at pagtulong sa lokal na pamahalaan para higit silang maging productive sa pagtatrabaho para sa kapakanan ng mamamayan ng lungsod.

Show comments