MANILA, Philippines — Mas pinaigting pa ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Quezon ang programa nito kontra dengue kung saan hinihikayat ang QCitizens na makipag-tulungan sa mga ginagawang clean-up drive upang mapanatili ang kalinisan at maiwasan pagdami ng mga lamok na may dalang sakit.
Bukod dito, tuloy din ang pamamahagi ng dengue flyers para sa iba’t ibang distrito sa lungsod para mabigyan ng higit na kaalaman ang publiko para makaiwas sa sakit.
Ayon sa pinakahuling datos ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Division, umabot sa 6,697 na kaso ng dengue ang naitala mula January 1 hanggang November 23, 2024.
Naitala sa District 2 ang may pinaka-mataas na kaso na umabot na sa 1,604 cases at District 3 naman ang pinaka-mababa na may 810 na kaso.
Pinapayuhan ng QC health Department ang lahat ng QCitizens na magtungo kaagad sa pinakamalapit na Health Center o pagamutan sakaling makaramdam ng mga sintomas ng dengue tulad ng pananakit ng kalamnan, pagsusuka,mataas na lagnat at panghihina.