MANILA, Philippines — Tatlong matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang binalasa upang mapunan ang mga posisyong binakante ng ibang nagretiro.
Batay sa pinirmahang order ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil kabilang sa mga binalasa sina Brig. Gen. Jerry Protacio, bilang Acting chief Human Rights Affairs Office; Brig. Gen. Neri Vincent Ignacio, officer-in charge Directorate for Logistics at Brig. Gen. Jericho Baldeo, bilang deputy director for Information and Communication Technology Management.
Samantala, sinabi ni Marbil na mananatili ang PNP sa pagbibigay proteksiyon sa publiko at peace and order kasunod ng ipinakitang katapangan at dedikasyon ng mga pulis noong Bonifacio Day kung saan lima sa kanila ang nasugatan sa pagtupad ng kanilang tungkulin.
Tiniyak naman ni PNP Public Information Office chief, PBGen. Jean Fajardo ng Philippine National Police (PNP), nagsampa na sila ng patong-patong na kaso laban sa mga militante kabilang na ang paglabag sa Batas Pambansa 880 dahil sa kawalan ng permit to rally.
Ipinagharap din aniya ng kasong Direct Assult at Disobedience to a Person in Authority ang mga nanakit sa mga pulis kung saan, isa ang naaresto habang nananatiling at-large ang lider ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at ilang John Does.