Japanese national timbog arestado sa baril, panunutok

Stock image of a gun.

MANILA, Philippines — Dinakip ng mga tauhan ng Las Piñas City Police ang isang Japanese national na nanutok ng baril sa driver ng motorcycle taxi nang tanggihang isakay, sa nasabing lungsod, Linggo ng hapon.

Nahaharap sa ­reklamong paglabag sa Grave Threat at Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Act  ang suspek na si alyas “Ya­suhiko|, 62, self-employed bilang gun-wielder at residente ng Barangay Pulang Lupa Dos, Las Piñas .

Ayon sa ulat, bandang 4:30 PM ng Dis­yembre 1, 2024, nang magsuplong ang biktimang si alyas “Richard” 20-anyos, sa mga pulis na nagpapatrulya sa lugar.

Ipinaliwanang ng biktima na nakipagtalo sa kaniya ang suspek at tinutukan pa siya ng baril sa mukha nang tangghihan niyang isakay para maihatid sa bahay ang suspek.

Narekober ang isang black belt bag na naglalaman ng air gun revolver Crosman Model 38C .177, 25 air gun pellets, anim na piraso ng .38 caliber live ammunition, at ilang identification card.

Si alyas Yasuhiko ay nai-turn over sa tanggapan ng Station Investigation and Detective Management Section ng ng Las Piñas City Police Station para sa tamang disposisyon.

Show comments