MANILA, Philippines — Tatapatan na ng Department of Agriculture (DA) KADIWA Rice-for-All ang lahat ng major public markets para makabili ng mas murang bigas kaysa sa sobrang mahal na ibinebentang bigas sa mga palengke.
Ang hakbang ay ginawa ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, bilang tugon sa nanatiling mataas na retail price ng bigas sa kabila nang pinababang taripa sa imported rice.
Nakipag-usap na ang DA sa mga rice importer para makapag-suplay ng bigas sa Kadiwa sa presyong P42 kada kilo, mas mababa ito sa commercial rice sa mga palengke na P48.00 kada kilo hanggang P55 kada kilo.
Anya ang estratehiyang ito ay inaasahang makatutulong sa mamamayan.
Ang mas malawak na Rice-for-All rollout ay isasagawa ng DA sa pakikipag-ugnayan sa Department of Interior and Local Government, Department of Trade and Industry, Department of Labor and Employment, Department of Social Welfare and Development, at mga unit ng Office of the President.