MANILA, Philippines — Magpapatupad ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng traffic management at deployment plan para sa paggunita sa ika-161 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio sa Nobyembre 30 (Sabado) sa Bonifacio Monument Circle (BMC) sa Caloocan City.
Mula alas-5 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali nakasara sa daloy ng mga sasakyan ang MacArthur Highway mula kanto ng Calle Cuatro hanggang Monumento; Samson Road mula corner ng Lapu Lapu Street hanggang Monumento: Rizal Ave. mula cor. ng 10th Ave. hanggang Monumento: EDSA northbound mula. Gen. Rosendo Simon hanggang Monumento
Nakipag-ugnayan din ang MMDA sa lokal na pamahalaan ng Caloocan para sa idedeploy na MMDA traffic enforcers, Road Emergency Group at Mobile Patrol Unit sa mga lugar na apektado ng isasagawang event.