MANILA, Philippines — Tumanggap ng maagang pamasko mula sa Quezon City LGU ang libu-libong ambulant vendors at informal workers mula sa anim na distrito ng lungsod.
Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte , ang pamaskong handog ng QC LGU ay pasasalamat sa walang sawang pagtitiwala at suporta sa mga programa at adhikain ng lungsod.
Kasama sina Rep. Fanz Pumaren at District 3 Councilors Don De Leon, Chuckie Antonio, District 3 Action Officer Atty. Tommy De Castro, at Luigi Pumaren, isinagawa ni Mayor Joy ang pamamahagi ng mga grocery bag sa mga ambulant vendors at informal workers ng District 3 sa Risen Garden sa QC Hall compound.
Sa District 1 naman, nanguna si Congressman Arjo Atayde kasama sina District 1 Councilors Charm Ferrer, Doray Delarmente Joseph Juico, TJ Calalay , Bernard Herrera at action Officer Olie Belmonte sa pamimigay ng Pamaskong handog sa may higit 1,000 tindera ng naturang distrito.
Sunud-sunod ding namahagi ang mga lokal na opisyal ng QC mula sa District 2, 4, 5 at 6 para sa mga ambulant vendors na patuloy na sumusuporta sa mga programa ng lokal na pamahalaan.