MANILA, Philippines — Isang 13-anyos na lalaki ang patay matapos na-hit-and-run sa EDSA busway kahapon ng madaling araw sa Quezon City.
Dead on the spot ang biktima na residente ng Sitio Pajo, Pag-asa Street, Brgy. Baesa, Quezon City.
Nangyari ang aksidente dakong ala-1 ng madaling araw sa EDSA Bus Carousel Darrio Bridge, Brgy. Apolonio Samson, Quezon City.
Lumilitaw na papatawid ang biktima kasama ang kanyang kaibigan nang mahagip ng bus patungong Northbound.
Ayon sa kaibigan ng biktima, tumawid sila papuntang bus lane upang manguha ng kahoy na panggatong nang mabangga ang binatilyo ng isa sa mga carousel bus.
Sinubukan niyang habulin ang bus subalit tuluy-tuloy ito sa pag- arangkada.
Apela naman ng lola ng biktima sa driver ng bus na sumuko na lamang at panagutan ang kaso.
Inaalam naman na ng Quezon City Police Traffic Sector 6 ang sangkot na bus sa insidente. Nangangalap din sila ng mga CCTV footage sa lugar para matukoy ang plaka ng bus na nakabangga sa binatilyo.