Bebot kinatay ng rider

Dead on arrival sa Las Piñas District Hospital ang biktima na inilarawang nakasuot ng kulay purple na blouse at maong pants habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na sinasabing nakasuot ng half-face helmet, itim na jacket at maong pants na sakay ng Honda Click motorcycle na pinaghalong blue at red ang kulay.
File photo

MANILA, Philippines — Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang babae ng hindi pa nakikilalang rider, Lunes ng hapon Las Piñas City.

Dead on arrival sa Las Piñas District Hospital ang biktima na inilarawang nakasuot ng kulay purple na blouse at maong pants habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na sinasabing nakasuot ng half-face helmet, itim na jacket at maong pants na sakay ng Honda Click motorcycle na pinaghalong blue at red ang kulay.

Sa inisyal na ulat, alas-12:00 ng tanghali ng Nobyembre 18 nang maganap ang insidente sa open field, sa Gatchalian Road, Barangay Manuyo Dos, Las Pinas City.

Sa salaysay ng isang security guard, nakarinig siya ng komosyon sa open field sa harapan ng The Tent at kanyang itinawag sa Las Piñas Police. Dito na nakita ang duguang biktima na tadtad ng saksak sa katawan.

Patuloy ang panga­ngalap ng ebidensiya at motibo ng mga awtoridad.

Show comments