107K paslit sa NCR, target mabakunahan ng DOH

MANILA, Philippines — Target ng Department of Health- Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) na mabakunahan at maprotektahan laban sa mga vaccine-preventable diseases ang mahigit sa 107,000 paslit sa National Capital Region (NCR).

Ito ay sa ilalim ng catch-up immunization campaign na inilunsad ng DOH sa Caloocan Sports Complex sa Caloocan City, at dinaluhan ng mahigit sa 250 paslit, mga buntis at mga nakatatanda.

Ayon sa DOH, nasa 107,995 paslit sa NCR, na nagkakaedad ng 0-23 buwan, ang kanilang nais mabigyan ng BCG vaccine, Hepatitis B, bivalent oral polio vaccine (bOPV), pentavalent vaccine, pneumococcal conjugate vaccine (PCV), inactivated poliovirus vaccine (IPV), at measles, mumps, and rubella (MMR) vaccine.

Ang mga buntis ay bibigyan naman ng DOH ng bakuna laban sa tetanus-diphtheria (TD) habang ang mga senior citizen naman ay pagkakalooban din ng mga kinakailangan nilang bakuna.

Show comments