US Citizen tigok sa pakikipagtalik

Sa ulat ng Pasay City Police Station, ang biktima na si alyas “Bert”, ay idineklarang patay sa San Juan De Dios Hospital alas- 4:00 ng madaling araw ng Nobyembre 18.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang 61-anyos na US citizen ang nasawi matapos makipagtalik sa kaniyang nobya sa loob ng isang hotel, sa Pasay City, Lunes ng madaling araw.

Sa ulat ng Pasay City Police Station, ang biktima na si alyas “Bert”, ay idineklarang patay sa San Juan De Dios Hospital alas- 4:00 ng madaling araw ng Nobyembre 18.

Sa salaysay sa pulisya ng nobya ng biktima na si alyas “Del”, 51, residente ng Camp Bagong Diwa, Taguig City, alas-12:54 ng hapon ng Nob. 17 nang mag-check-in sa hotel.

Madaling araw naman ng Nob. 18 matapos ang kanilang pagtatalik ay nakatulog ang biktima at napansin na walang malay at hindi na gumigising kaya ipinaalam sa hotel staff na nagsugod sa biktima sa nasabing pagamutan.

Itinuring na natural cause of death ang insidente na pinaniniwalaang inatake sa puso.

Show comments